‘Pagbitay’ sa mga akasya itinigil muna?

    80
    0
    SHARE

    Salamat, at DPWH na rin
    Itong sa ngayon ay biglang nagpatigil
    Sa pag-masaker sa kaunting nalalabing
    Mga punongkahoy na dapat sagipin;

    Kaya lang, ang bagay na nakakalungkot
    Ay kung bakit kailan nga po nila halos
    Maitumba lahat at maubos-ubos,
    Saka nila naisipang ipag-utos;

    Na itigil muna (until further notice?)
    Ang pagputol bunsod nitong umiinit
    Na kilos protesta ng governor’s office
    At ng ating mga enviromentalists;

    At iba’t-iba pang concern citizens d’yan
    Na may malasakit sa kapaligiran,
    Gaya ng STC ni Ching Pangilinan
    At ni Cecile Yumul, na nag-suggest po riyan;

    Na dapat anila nga po’y magkaroon
    Muna ng ika nga’y public consultation,
    Bago gumawa ng ano pa mang aksyon
    Ang nasabing opis bago n’yan ituloy

    Ang pag-masaker sa mga nalalabing
    Punong akasya r’yan at iba pa manding
    Biyaya ng Inang Kalikasan natin
    Na namimiligro ring mawala sa ‘tin!

    At ang hindi natin lubos na malirip
    Ay kung papaanong kahit walang permit
    Na inisyu itong City Mayor’s Office
    Ng San Fernando ay sumigi ang putris?

    Kung saan posibleng sa ganang sariling
    Pananaw po natin, sila’y maaaring
    Makasuhan r’yan ng illegal dismantling
    Of public properties but without securing

    The required permit for any activity
    That are duly mandated by the said city;
    Kahit sabihin pang gobyerno rin pati
    Ang nagsagawa ng trabahong nasabi!

    Ang city government po ng San Fernando,
    Kumbaga ay mayrung sariling gobyerno;
    Kaya di marapat basta na lang ito
    Pakialaman po riyan nitong kahit sino!

    (Pagkat gaya nga po ng pangyayaring yan
    Ay si Mayor Oca ang inakala riyan
    Na nagpaputol n’yan, gayong walang alam,
    Kundi itong nagsabi sa DENR)
     
    At ang Kapitolyo’y ganoon di naman,
    Si Gob Panlilio ay di dapat hakbangan;
    Ano’t kahit pasintabi lang yata riyan
    Si Tolentino ay di tumimbre man lang?

    At ang siste hinggil sa ilang Senador
    At iba pang ika nga’y ‘national figure’,
    Aba’y kung kailan at wala ng panahon
    At halos ubos na saka pa hahabol?

    Upang makiisa sa ating krusada
    Na ipaglaban ang buhay na natira?
    (Kung kailan ang kabayo ay patay na,
    Saka n’yo dadalhan ng damo kumbaga?).

    Ano’t-ano pa man, sa puntong naturan
    Ay baka sakaling pati Malakanyang,
    Manghimasok na rin kung kinakailangang
    Ang nakatataas ang dapat makialam!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here