Di makasarili itong kahilingan
kay Senador Koko Pimentel ni ‘Nanay,’
sapagkat di para sa Pampanga lamang
ang panukalang ‘bill’ na kanyang tinuran
At hininging isponsoran ni Pimentel
sa Senate, nang personal na kausapin
ni Gob ang Senador, sa Clark, nang ganapin
ang Cluster Conference d’yan sa Oxford Hotel
Ng mga Visayas Island – na kung saan
ay hiniling nga kay Pimentel ni ‘Nanay,’
na magkapagpasa ng ‘bill’ na kailangan
‘giving the disaster prone areas extra funds’
Partikular na riyan sa taga Visayas
na ‘beneficiaries’ bale nang ginanap
na ‘cluster conference’ dito sa’tin sa Clark,
nitong ilang araw lang na nakalipas.
Kung saan mahigit sa dos siyentos katao
ang mga Alkaldeng sa pulong dumalo,
sa pangunguna ng pinaka-Pangulo
nitong Liga riyan ng mga Munisipyo
Na si Leyte Mayor Leonardo Javier
at iba pang di ko na isa-isain,
pagkat lahat nama’y sa Visayas galing
ang mga Alkaldeng dito nagsidating.
Lubhang malaki ang kapasalamatan
ni Mayor Javier sa mga Kapampangan,
partikular na ang natatanging ‘Nanay’
nating sa lahat na’y laging bukas-kamay.
Sa mensahe niya, tinukoy ni Mayor
ang siya’y di man tumawag kay Governor
nang ang lugar nila’y hambalusin noon
ng bagyong Yolanda, si ‘Nanay’ umaksyon
At ipinadala si Vice Gov Pineda
sa Leyte province nang kaura-urada,
bitbit ang ’26 truckloads’ na may karga
ng ‘relief goods,’ gamot, doctor at iba pa.
Kung saan malinaw na ‘manifestations’
ng pagkalinga at agarang pagtugon
ni Gob sa Leyte ang ginawa niyang ‘yon,
na bukal sa puso ang kanyang pagtulong.
Kaya naman walang pagsidlan ang galak
at walang hanggan din nilang pasalamat
kay Gob Pineda na ‘Nanay’ nitong lahat
ng mga kapatid nating kapos-palad.
Pinaala-ala ng butihing Mayor
ang mahigit pa sa dalawampung taon
na ang nakaraan, ang pagputok noon
ng Pinatubo at tayo ay nabaon
Sa abo’t buhangin pati kabuhayan
nitong nasalantang mga kababayan,
at kung saan bubong na lang ng simbahan
nang panahong ‘yon ang ating matatanaw.
Pero pagmasdan mo ngayon ang Pampanga,
at kung gaano na kaprogresibo siya
ay tunay naman din nating makikita
ang pagbangon muli ng halos lahat na.
Humigit-kumulang, sa puntong naturan
ay paghanga at papuri ang malinaw
na makikita at mararamdaman
sa mga salita nilang binitiwan.
At sa naging karanasan ng Pampanga,
itong dito sa’tin ay naging bisita
sila kumukuha ng lakas kumbaga
para makabangong muli kung gagaya?
Pagkat tunay namang ang Pampanga ngayon
ang siyang nangunguna dito sa’ting Rehiyon,
sa halos lahat na, dala ng pagsulong
na nai-ambag ng ating Gobernador!