Pacquiao pine-pressure para sumama sa Binay line-up

    194
    0
    SHARE

    CLARK FREEPORT —-Pine-pressure na ng United Nationalist Alliance  si Rep. Manny Paqcquiao upang sumama  sa senatorial line nito para sa  2016 national elections.

    Ito ang pahayag ni Vice President  Jejomar Binay sa kanyang     meet and greet the press na ginanap sa Fontana  Resort dito. Nakangiting sinabi ni Binay na  wino-work out na nila sa  ngayon ang  pagsama ng Pambansang Kamao sa kanilang senatorial slate at may mga  pressure na daw na ibinibigay to upang mapatango.

    “Masyado nang malakas ang  pagpe-pressure sa kanya maging ng kanyang mga  kababayan,” ani Binay. Dagdag niya, sa ngayon aypinag-iisipan pa daw ni Pacman ang pagsama sa kanilang listahan ng  lalaban  na mga senador.


    Samantala, kumpirmado naman  sina former Manila Mayor Lito Atienza, Sen. Tito Sotto at     Valenzuela 1st District Rep. Sherwin Gatchalian bilang kandidatong mga senador sa  UNA. Nauna na ding sinabi noon   Binay nang dumalaw ito sa Bulacan na pinag-uusapan na rin ang pagsama  nina Sen. Serge Osmeña at Sen.

    Ralph Recto sa kanilang line up sa  2016. Samantalang, lahat naman daw  ay kinikonsidera para maging running mate bilang vice president ni Binay at  ang   nais daw niya na qualification nito ay ang working vice president at makakatuwang niya sa pamamahala. 

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here