Home Headlines Paaralan sa NE susuyurin kontra droga, terorismo

Paaralan sa NE susuyurin kontra droga, terorismo

736
0
SHARE

Photo grabbed from web

CABANATUAN CITY – Susuyurin ng 1st Provincial Mobile Force Company (1PMFC), ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) ang malalaking pampublikong paaralan sa ikatlo at ikaapat na distrito ng lalawigan para sa mas pina-igting na kampanya laban sa iligal na droga at terorismo.

Ayon kay PLt. Col. Dennis Wenceslao, commanding officer ng 1PMFC, uunahin nilang puntahan ang Nueva Ecija High School sa lungsod na ito upang makipag-dayalogo sa mga guro at mag-aaral.

Ang NEHS ay isa sa pinakamalalaking eskwelahan sa Nueva Ecija.

Paliwanag ni Wenceslao, ipinag-utos ni Central Luzon police director Brig. Gen. Rhodel Sermonia ang malawakang implementasyon ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) upang mailayo ang mga estudyante at sektor ng kabataan mula sa masamang bisyo at terorismo.

“Alinsunod ito sa Executive Order No. 70 o ang “All Nation Approach” ni Pangulong Duterte,” ani Wenceslao.

Aniya, nais ni Sermonia na tutukan ng pulisya ang “white area” o ang mga target ng recruitment ng mga rebelde, kabilang na ang hanay ng manggagawa.

“Napapanahon ito dahil kailan lang ay isang graduate ng UP (University of the Philippines) na sumunod sa NPA ang nasugatan at naaresto sa engkwentro sa Rizal, Nueva Eçija” sabi pa ni Wenceslao.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here