Home Headlines P800-K shabu nakumpiska sa ex-convict, 3 iba pa

P800-K shabu nakumpiska sa ex-convict, 3 iba pa

735
0
SHARE

Ang mga naarestong drug suspects sa ikinasang buy bust operation ng Meycauyan Police. Kuha ni Rommel Ramos


LUNGSOD NG MEYCAUYAN — Arestado ang isang dating bilanggo at tatlo pang kasabwat nito matapos silang makuhanan ng nasa P800,000 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya nitong Biyernes.

Nakilala ang ex-convict na si Nelson Rivera, 38,residente ng Barangay Lolomboy, Bocaue at mga kasama ito na sina Arvie Dela Cruz, 29, ng Barangay Bunducan, Christian Cruz, 39, at Albert Alera, 30, kapwa residente ng Barangay Pandayan.

Ayon kay Meycauayan City acting chief of police Lt. Col. Bernard Pagaduan, target ng operasyon si Rivera na kabilang sa drug watchlist at pitong taon na nakulong sa Bulacan Provincial Jail sa kahalintulad na kaso.

Ang mga nakumpiskang hinihinalang shabu na aabot sa halagang P800,000.

Aniya, si Rivera ay kalalabas lamang sa kulungan at bumalik sa pagbebenta ng droga kung saan tinatayang nasa 100 gramo ng shabu ang kanilang nakuha dito at may street value nga na hanggang P800,000.

Ani Pagaduan, may malaking grupo ang nasa likod ng mga suspek at tuloy-tuloy ang kanilang followup operation para masawata ang mga ito.

Sa panayam sa mga suspect ay inamin ng mga ito ang kanilang pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at kasalukuyang nakapiit sa naturang himpilan ng pulisya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here