P3M shabu nasakote ng Bustos PNP

    262
    0
    SHARE
    BUSTOS, Bulacan —- Arestado ang isang mag-asawa kung saan nakumpiska sa kanila ng Pandi PNP ang P3 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Bonga Mayor dito.

    Arestado ang magasawang suspek na sina Danilo at Teresita Leonardo, residente ng nasabing lugar.

    Nasa mahigit 800 gramo ng shabu sa 23 pakete na tinatayang nagkakahalaga ng P3 milyon ang nakumpiska nang kumagat sa buy-bust operation ang mga suspek na isang linggo nang minanmanan ng kapulisan.

    Nakumpiska rin ang mga drug paraphernalia.

    Ayon sa mag-asawang Leonardo, dala lamang ng kahirapan kaya sila nagtutulak ng ilegal na droga at hindi daw nila kilala kung sino ang nagbabagsak sa kanila ng shabu na katransaksyon lamang nila sa cell phone.

    Ang mga suspek ay nasa kustodiya ngayon ng Bustos PNP habang dadalhin sa crime lab ang mga nakumpiskang shabu.

    Inaalam na rin ng Bustos PNP kung may malaking sindikato sa likod ng mag-asawa dahil sa laki ng halaga ng droga na nakuha sa kanila.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here