P160-M halaga ng asukal kinumpiska

    402
    0
    SHARE

    LUNGSOD MALOLOS – Halos P160-milyong halaga ng hinihinalang smuggled sugar ang nakumpiska ng mga ahente ng Bureau of Customs (BOC) sa Sterling Compound sa Barangay Iba, Lungsod ng Meycauayan kahapon.

    Sa nasabi ring compound nasakote ng BOC ang 26,000 sako ng sibuyas na nagkakahalaga ng P160-milyon noong nakaraang linggo.

    Ayon kay BOC Commissioner Angelito Alvarez, ang 65,000 sako ng asukal na nakumpiska ay nagmula sa bansang Thailand.

    Sinalakay ng BOC ang nasabing compound bandang 1:30 ng hapon kahapon at nakumpiska ang asukal na hinihinalang smuggled.

    Matatandaan na noong nakaraang linggo ay naunang natagpuan ang mahigit 26,000 bags ng mga sibuyas na nagmula sa India at China.

    Ang mga sako ng asukal at mga sibuyas ay kapwa nakumpiska sa parehong warehouse sa loob ng Sterling compound.

    Ayon sa BOC, lahat na ng warehouse sa naturang compound ay kanila ng sisiyasatin matapos makalawang beses ng matuklasan ang mga kontrabando dito.

    Inaalam na rin ng BOC kung sino ang may-ari ng nasabing mga illegal na asukal at maging ang nagmamay-ari ng compound na ito ay maari ding masampahan ng kaso.

    Ayon naman kay Maru Gumera, planning and policy department ng Sugar Regulatory Administration, kukuha ang BOC ng samples ng mga nasamsam na asukal upang masuri.

    Tiniyak nilang hindi makakarating sa lokal na pamilihan ang nasabing mga iligal na asukal na ito dahil nakakaapekto ito sa local sugar industry.

    Ngunit pag-uusapan din daw ang mga posibilidad na gawing ethanol o i-export na lamang ang nasabing mga asukal depende kung ano ang kakalabasan ng kanilang gagawing pagsusuri. 

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here