Ogie Alcasid wala nang dissapointment sa TV 5

    643
    0
    SHARE
    DINAAN na lang sa biro ni Ogie Alcasid ang sagot sa aming tanong kung nawala na ba ang disappointment niya sa TV5 nu’ng panahong nagkaroon ng revamp sa entertainment division.

    Eh, sa pagpasok ng Viva Communications, Inc. sa network, nagkaroon ng panibagong sigla sa mga primetime show at dalawa na ang shows ni Ogie ngayon, ang Born to be a Star, na siya ang main host, at ang pinalakas na Sunday show na Happy Truck HAPPInas.

    Sina Ogie at Janno Gibbs ang mangunguna sa bagong season ng game show ng TV5. Ilan sa kasama nila sa show ay sina Derek Ramsay, Tuesday Vargas, Kim Idol, Empoy at marami pang iba.

    “I’m still disappointed, hahaha! ’Yun ba ang gusto mo? Hahaha!” biro ni Ogie sa press launch ng show.

     “No, I’m not disappointed. I am very, very happy. Siyempre, ’yung Born to be a Star, music ’yan. Diyan tayo nabuhay sa music.

    “Ito namang Happy Truck, masaya na kami rito, eh. And I think nu’ng iniisip nila kung paano pipihit ang show, suggestion namin, sana intact pa rin ang barkada,” saad ng singer-songwriter.

    Dapat sana ay meron pa siyang ibang hawak na position sa TV5, pero ayon kay Ogie, “Hindi na po natuloy ’yon.”

    Bukod kasi kina Ogie, Janno at Derek, isasabak din sa programa sina Ella Cruz, Meg Imperial, Roxee B at iba pang Viva stars.

    Aarangkada na ito sa Marso 6, 11 a.m., mula sa direksyon ni GB Sampedro.

    SHARE
    Previous articleHailstones fall in Bataan
    Next articleNinoy

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here