OEDC umani ng batikos

    475
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY—-Hindi kumbinsido ang mga electric consumers sa planong dagdag singil sa bayarin ng kuryente ng Olongapo Electricity Distribution Company (OEDC) matapos itong maghain ng application sa Energy Regulatory Commission noong April 7, 2014.

    Sa pagpupulong na ginanap sa isang pribadong restoran sa pagitan ng electric consumers, OEDC at ERC, umani ng pagbatikos ang OEDC dahil sa biglaang pagapapatawag ng public hearing nang hindi man lamang nalalaman ng mga consumers ang nilalaman ng application.

    Ayon kay Olongapo City Councilor Atty Noel Atienza, kahit na nagkaroon pa ng publication sa ibat-ibang daily newspapers ang planong pagtaas ng bayarin sa singil ng kuryente ay dapat pa rin malaman at mapag-aralang maigi ang nilalaman ng application ng OEDC sa ERC bago magpatawag ng public hearing.

    Sa ginawang expository presentation ni Engr. Bonifacio Rana, Jr., vice president ng Consumer Services ng OEDC, isa sa batayan nito ang mataas na “system loss” na umaabot sa 37 percent na naitala mula noong June 2013.

    Ayon sa mga cosumers hindi tiningnan at pinag-aralang mabuti ng OEDC bago nila pinangasiwaan ang Public Utility Department (PUD) nang isapribado ito na ang utang ay umabot sa P5 billion sa bayarin ng kuryente sa panahon ng administrasyon ni dating Mayor James “Bong” Gordon, Jr., .

    Iniangal din ng mga consumers ba sa pagpapalit ng kanilang “electric meter” ay walang ibinigay na “calibration meter test result certificate” ang OEDC na siyang nagpapatunay na maayos ang kanilang electric meter at ang nakakaalam lang nito ay ang OEDC at ERC nang isagawa ang meter testing at walang isa man lamang sa mga consumers ang nagsilbing “representative.”

    Dahil dito, nagkaroon ng pagdududa na may sabwatang nagaganap sa pagitan ng OEDC at ERC. Humingi naman ng pasensya sa publiko ang representative ng ERC na si Atty. Carl Stephen Guzman sa pagkukulang ng OEDC.

    Harapan namang sinabi ni Patrick Escusa kay dating Mayor Gordon na ang lahat ng problema sa usapin sa kuryente ay kagagawan nito. Lininaw naman ni Alex Hermoso ng PREDA Foundation na ang naganap na pagpupulong ay isang “information o forum” at hindi ikinukusenderang public hearing.

    “Ang public hearing ay ginaganap sa pampublikong lugar at hindi sa isang pribadong lugar, gaya dito sa restoran at baka ito ay gamitin ng OEDC at ERC para ma-aprobahan na ang kanilang applikasyon sa planong dagdag singil sa kuryente”, dagdag pa ni Hermoso.

    Aminado naman si Engineer Rana, na kapag nagkakaroon ng “unexpected brown out,” pagbalik ng supply ng kuryente ay bahagya naman tumatalon ang reading sa electric meters na madalas na iniaangal dahil hindi nabibigyan ng sulosyon ng OEDC.

    Ang Olonagpo City ay may 47,500 electric consumers na naka- rehistro sa tanggapan ng OEDC.

    Ayaw naman banggitin ng OEDC kung sino-sino ang mga government officials na hindi nagbabayad at wala sa record ng dating PUD.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here