Home Headlines Negosyante, idinulog kay SILG Remulla ang reklamo sa ghost projects sa isang...

Negosyante, idinulog kay SILG Remulla ang reklamo sa ghost projects sa isang barangay.

68
0
SHARE
Ang nagrereklamong si Jennilyn Lising habang ipinapakita ang aniyay pekeng resibo na ginamit ng barangay Malabanias sa gas allocation.
ANGELES CITY, Pampanga — Idinulog sa tanggapan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang umanoy usad-pagong na imbestigasyon ng Sangguniang Panglungsod ng hinggil sa patong-patong na reklamo ng mga ghost projects sa barangay Malabanias ng nasabing lungsod.
Ayon sa negosyanteng si Jennilyn Lising, dumulog siya kay Remulla na magsagawa na ng administrative intervention, independent review at patawan ng preventive suspension si Malabanias Chairwoman Luz Nava at iba pang opisyal ng nasabing barangay dahil sa kawalan ng aksyon ng Sangguniang Panglungsod hinggil sa sangkaterbang mga ghost projects scam na kanilang isinampa.
Isa na dito ay ang kanyang reklamo hinggil sa P13.4-M ghost gas allotment ni Nava gamit ang mga pinekeng resibo ng kanyang negosyong gas station.
May mga kaso din aniya silang isinampa hinggil sa mga ghost employees mula noong taong 2023 hanggang 2026 at ghost streetlights project na nagkahalaga ng isang milyong piso pero hanggang ngayon ay hindi pa ito napapatawan man lang ng preventive suspension.
Naglabas na din aniya ng Notice of Disallowance ang Commission on Audit laban kay Nava at ipinasasauli ang isang milyong pisong ginamit sa ghost streetlights project pero hindi pa rin ito isinasauli ng Pamahalaang Barangay ng Malabanias hanggang ngayon.
Ani Lising, dapat na suspendihin na ng DILG si Nava dahil naiimpuwensyahan nito ang mga ebidensya at tinatakot ang mga testigo sa kinakaharap nitong mga kaso.
Aniya, may mga patong-patong din na kaso silang isinampa laban kay Nava sa Office of the Ombudsman dahil sa mga ghost employees, ghost bidding at mga fake receipts.
Samantala, sinubukan ng newsteam na kuhanan ng pahayag si Nava pero hindi pa daw ito makapapaunlak sa ngayon.
Gayundin ang Sangguniang Panglungsod ng Angeles at COA hinggil sa nasabing reklamo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here