Home Headlines Ika-19 taon ng Belenismo Festival sa Tarlac, sinimulan na.

Ika-19 taon ng Belenismo Festival sa Tarlac, sinimulan na.

32
0
SHARE
Ang belen na may temang: Love, Peace and Unity na pambato ng bayan ng Pura para sa Belenismo 2026.
PURA, Tarlac — Paskong-Pasko na sa lalawigan ng Tarlac sa pagsisimula ng ika-19 Belenismo Festival o ang taunang province-wide Christmas festival kung saan ang komunidad, munisipalidad, simbahan, business sector at maging ang military units na kalahok ay magbubuo ng isang makulay at maniningning ng pagsilang ng Panginoong Hesus o ang Nativity scene.
Ang mga kalahok na belen ay pawang mga gawa sa recyclable indigenous materials para sa tinuguriang tinaguriang “Belen-making capital of the Philippines.”
Dito ay binubuhay ang mga old traditions ng Pinoy bayanihan, creativity, ingenuity at pagiging resourceful kung paano nila bibigyang buhay ang pagsilang ng Panginong Hesukristo.
Samantala, ayon kay Dra. Isabel Cojuangco-Suntay, founding chairperson ng Tarlac Heritage Foundation, dahil sa mga malalakas na bagyo at baha na naranasan sa bansa ngayong taon ay napagpasyahan na bawasan ang ilang aktibidad para sa Belenismo 2026 at ilaan ang pondo sa pagtulong sa mga labis na naapektuhan at nasalanta ng nagdaang mga kalamidad.
Ang lahat ng mga kalahok ay direktang sasailalim sa dalawang araw na “Final Judging” sa November 10 and 11 habang ang Belen-to-Belen Awarding of Winners ay gaganapin sa November 28.
Ang naturang Festival ay may kategorya na: Community, Church, Monumental, Grand Municipal at Non-Municipal
Samantala, ayon sa ilang tourism officers sa Tarlac, dinarayo ang mga makukulay at nagniningning na mga belen dito na nakakatulong para sa mga malalaki at maliliit na negosyante para bumenta ang kanilang produkto ngayong Kapaskuhan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here