Home Headlines Nahuling kwago ibinigay sa barangay ng 2 bata

Nahuling kwago ibinigay sa barangay ng 2 bata

1093
0
SHARE

Hawak ni Mark Anthony Samson ang kwagong nahuli nina Kylie Ramos at
Lourenz Oconer. Kuha ni Ernie Esconde



SAMAL, Bataan
Nakahuli ang dalawang bata ng kwago ngunit sa halip na gawin itong laruan at alagaan ay agad nilang isinuko sa barangay hall ng Sta. Lucia dito ngayong Lunes.

Sinabi ni Kylie Ramos, 11, na naglalaro sila ni Lourenz Oconer, 10, nang matanaw nilang may bumagsak na ibon sa bukid sa tapat ng kanilang bahay. May dugo umano ito sa pakpak na kanilang nilinis at inilagay sa isang lalagyan na may butas.

“Lumilipad naman pero ayaw ng lumayo,” sabi ni Kylie.

“Kasi po bawal po yan dahil endangered animal po yan,” sabi pa ni Kylie sa tanong kung bakit isinuko nila sa barangay.

Tinulungan ang mga bata ni Mark Anthony Samson dahil takot ang mga ito na hawakan ang ibon na may matatalim na kuko na bumabaon sa kamay ng humahawak.

“Bata pa ang kwago at dahil sa bagyo ay nahihirapang makalipad at makalayo sa lakas ng hangin,” sabi ni Samson.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here