Nadine Samonte gusto nang mag-asawa pero mas pinapaboran muna ang career

    238
    0
    SHARE

    Kung si Nadine Samonte ang tatanungin, at this point, aminado siyang gusto na niyang magpakasal.    
       
    She’s turning 24 sa March at marami nga raw ang nagsasabi sa kanyang bata pa ang ganu’ng age para mag-asawa.

    Pero katwiran niya, makapamilya raw siya talaga at gusto niya talaga na maagang magkaroon ng anak.

    Kaso, nanghihinayang naman daw siya sa kanyang career at sa mga opportunity na nagdaratingan.        

    Siyempre, iba na nga naman once na nag-asawa na siya.

    “Gusto ko talaga, gusto ko na,” say niya about getting married nang makatsikahan namin siya sa set ng Valiente, her new teleserye sa TV5.

    “Ang problema kasi, ’yung projects, eh. ’Yung mga opportunity, sayang, eh,” dugtong niya.

    Kinumpirma rin ni Nadine na nagkabalikan na sila ng non-showbiz boyfriend na si Emerson Chua.

    Last November or December pa raw sila nagkabalikan at mas maganda na raw ang relasyon nila ngayon.

    “Masasabi kong ’yung lahat ng problema, hindi na pinuproblema. Dati kasi, parang konting bagay, problema.

    Pero ngayon, parang ‘ay ganyan lang? Huwag na pansinin ’yan,’ parang ganu’n,” say niya.

    Napag-uusapan naman daw nila ni Emerson ang kasal, pero hindi pa ’yung talagang seryoso at hindi pa rin naman daw ito nagpo-propose sa kanya.

    So, proposal na lang ba ang hinihintay niya?

    “Hindi ko alam kung naghihintay ba ako ng proposal or kung talagang ready na ba ako, hindi ko alam, eh,” say niya.

    Pero kung sakali, mahihirapan namang magpakasal si Nadine this year since heto nga’t magsisimula pa lang ang Valiente sa Feb. 13.

    Siya ang leading lady ni JC de Vera habang si Oyo Sotto naman ay gaganap na nakatatanda niyang kuya.
     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here