MULA BFAR
    Bangka, lambat sa mangingisda

    260
    0
    SHARE
    (Tinanggap ng mga mangingisda sa bayan ng Subic, Zambales ang mga engine motor at fi shing paraphernalia na ipinamahagi nina DA Secretary Emmanuel Piñol at BFAR Director, Eduardo Gongona. Kasama sa pamamahagi sina Zambales 2nd District Rep. Cheryll Deloso Montalla at Masinloc Mayor Arcenia Lim. Kuha ni Johnny Reblando)

    MASINLOC, Zambales — May 100 fi berglass-reinforced plastic (FRP) boats kasama na ang makina, triggers at bottom set gillnets ang ipinamahagi sa mga mangingisda ng siyam na coastal town ng probinsiya.

    Ang mga benefi ciaries ay mula Subic, San Antonio, San Narciso, Cabangan, Botolan, Iba, Palauig, Masinloc at Sta Cruz.

    Ang pamamahagi ng mga 30-footer fi ber fi shing boat at iba pang gamit pangisda na ginanap sa Zambaleña hall sa bayang ito ay pinangunahan nina Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel Piñol, BFAR National Director Eduardo Gongona at mga local offi cials ng Zambales bilang bahagi sa patuloy na pagtulong ng DA at BFAR sa kanilang livelihood program para sa mga mangingisda ng Zambales.

    Matatandaan na noong April 2011 ay nagkaroon ng stand-off sa bahagi ng Scarborough Shoal nang itaboy ng mga Chinese Coast Guard ang mga mangingisda na magpahanggang sa ngayon ay patuloy na pinagbabawalan makapangisda matapos na ibasura ng UN Arbitral Ruling ang inaangking isla ng China sa bahagi ng West Philippine Sea kasama na ang Scarborough Shoal.

    Sa mensahe ni Masinloc Mayor Arcenia Lim sa mga opisyal ng DA at BFAR, sinabi niyang isang malaking karangalan para dalawin sila sa kanilang bayan at “ngayon lang nagyari ito at kanyang hiniling na dagdagan pa ang mga bangka dahil farming at fi shing ang karamihan sa ikinabubuhay ng mga tao sa Masinloc”.

    Ayon naman kay 2nd District Rep. Cheryll Deloso-Montalla, napakagandang regalo ito para sa mga mangingisda ng at kanyang hiniling na dapat itong pangalagaan at pahalagahan.

    “Tunay na dumating ang napakagandang regalo para sa atin sa mahabang panahon na hindi napapansin ang mga mangingisda sa Zambales at ngayon isa sa mga priority ni Presidente Duterte ang pagtutok sa magsasaka at mangingisda” dugtong pa ng congresswoman.

    Ayon naman kay Piñol, ipamamahagi sa mga mangingsda at dalawang pamilya bawat isang bangka at target aniya ng DA at BFAR na makagawa ng may 1,000 banka sa buong rehiyon at tuturuan din ang mga mangingisda na gumawa ng fi ber glass bangka.

    Umaasa si Piñol na sa pamamagitan ng nasabing proyekto makakasama ang mga maningisda para mapunuan ang 36 porsyentong kakulangan ng supply na isda sa Metro Manila matapos ipasara ng Pangulong Duterte ang Laguna de Bay.

    Ayon pa kay Piñol hihilingin nito sa pangulong Duterte ang pagpapatayo ng isang cold storage at ice-making plant sa sa Masinloc.

    Inatasan na ni Piñol si Gongona na pangunahan ang West Philippine Sea Anti Illegal Task Force sa Zambales.

    Susuportahan din ni Piñol ang rice farming program sa Zambales at hiniling nito kay Deloso na magsumite ng proposal para matugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka.

    Samantala, nakatakda namang ilunsad sa Zambales ang Malinis at Masaganang Karagatan program at sa pamamagitan nito pipili ang DA at BFAR ng may pinaka malinis na coastal community kabilang dito ang pagsasagawa ng “three-month closed fi shing season” na may premyong P10 milyon.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here