Naalala pa rin si Jolina

    407
    0
    SHARE
    SA tuwing nakikita namin si Atty. Bebong Muñoz ay naalala namin ang singer-actress na si Jolina Magdangal na matagal nitong naging GF. Matagal nang hiwalay ang dalawa at may kani-kanya nang pamilya ngayon. Jolina is now married to musicman Mark Escueta at meron na silang isang anak habang si Bebong ay may asawa na rin, ang non-showbiz banker na si Carla Buan.

    Si Bebong ay isa ngayon sa top executives ng TV5 at ka-tandem ng top honcho ng Viva na si Boss Vic del Rosario sa entertainment programming ng Kapatid Network.

    Sa Christmas luncheon hosted by TV5 for the entertainment media sa Novotel in Cubao, magkasama sa stage sina Bebong at Boss Vic para i-announce ang mga plano at bagong programa na dapat abangan pagpasok ng 2016.

    Kasama rito ang TV remake ng “Ang Panday” na pagbibidahan ni Richard Gurierrez kasama ang childstar na si Alonzo Muhlach na pamamahalaan ni Mac Alejandre. Nariyan din ang TV series hango sa pelikulang “Bakit Manipis ang Ulap” na tatampukan nina Claudine Barretto at Diether Ocampo, ang “Tasya Fantasya” na unang pinagbidahan sa pelikula ni Kris Aquino, ang horror TV series na “Pagkagat ng Dilim” na nakatakdang idirek ni Erik Matti, ang singing reality show na “Born to be a Star” to be hosted by Ogie Alcasid with Aiza Seguerra, Rico Blanco at Mark Bautista as resident judges at iba pang bagong programa.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here