Modified Scout Training II sa 33 pulis

    697
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY —— Pormal nang binuksan noong Huwebes ng umaga ang Modified Scout Training ll sa 33 mga kagawad ng Olongapo City Police Office (OCPO) na binubuo ng 25 lalaking pulis at walong babaeng pulis.

    Ayon kay City Police Director, Senior Supt. Christopher Tambungan, ito ang foundation courses ng lahat ng PNP na bago mag-training ng special courses ang isang pulis ay magdadaan muna sa ganitong pagsasanay.

    Ang training ay tatagal ng 45 araw, kung saan sasanayin ang mga kapulisan sa pagsugpo ng “insurgency problem”.

    Idinugtong pa ni Tambungan na sa tulong na rin ng city government ay naisagawa ang nasabing training.

    Sinabi naman ni Deputy City Director for Administration, Supt. Roseller Arbolado na ang pagsasanay ay bilang bahagi para malaman at madagdagan pa ang kaalaman ng mga pulis bago isabak sa anumang laban.

    Sa kanyang mensahe, sinabi ni Supt. Francis Allan Reglos, Battalion Commander ng 2nd Battalion ng SAF, na tungkulin ng pulisya na sumailalim sa ganitong uri ng pagsasanay upang maiwasan ang pagkamatay ng mga pulis sa pakikipaglaban sa mga mamasamang elemento ng lipunan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here