Home Headlines Mas mahigpit na panuntunan sa mass gathering ipapatupad sa Bulacan

Mas mahigpit na panuntunan sa mass gathering ipapatupad sa Bulacan

979
0
SHARE

Gov. Daniel Fernando



LUNGSOD NG MALOLOS
Higit na paghihigpit sa mga panuntunan ukol sa mass gathering ang ipapatupad sa Bulacan. 

Itinakda sa Executive Order No. 2, Series of 2021 ng Kapitolyo na kailangang humingi muna ng pahintulot sa Provincial Task Force on Covid-19 Response bago makapagsagawa ng anumang malaking pagtitipon.

Ayon kay Gov. Daniel Fernando, ang paglalabas ngnaturang kautusan ay isa pang hakbang ng lalawigan upang maiwasan ang lalong pagkalat ng nakakahawang sakit na pumilay sa buong mundo.

Nakasaad sa naturang kautusan na upang makunsidera ang aplikasyon para sa pagsasagawa ng anumang malakihang pagtitipon, ang mga nag-oorganisa ay kailangang maipasa ang kahilingan 10 araw bago ang nakatakdang petsa ng gawain.

Kailangan ding magpasa ang organizer ng sinumpaang salaysay na nagsasaad na siya ang responsableng indibidwal sa gawain at sisiguraduhin na ang pagtitipon ay limitado lamang sa 50 porsyento na seating o venue capacity.

Dagdag pa rito, kailangan ring magsumite ng after-activity report ang mga nag-organisa sa loob ng limang araw matapos ng pagtitipon. Vinson F. Concepcion/PIA3

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here