Marvin Agustin on marriage: Hindi puwedeng ipilit yan, darating yan sa tamang panahon

    4080
    0
    SHARE

    SA TUWING makakausap ng entertainment press si Marvin Agustin, ang isa sa hindi puwedeng maitanong sa kanya ay ang tungkol sa kanyang lovelife at kung kelan niya binabalak mag-settle down.

    Kung tutuusin nga kasi, ang mga kasabayan niya ay may kanya-kanya nang pamilya, including Jolina Magdangal, dati niyang ka-loveteam.

    Open book naman na may mga anak na rin si Marvin, ang kambal na sina Santiago at Sebastian, na ngayon ay seven years old na. Kaya, kumbaga, asawa na lang ang kulang.

    Non-showbiz ang ina ng kanyang mga anak at bagama’t hindi sila nagkatuluyan, napapanatili raw nila ang pagiging magkaibigan.

    Say nga ni Marvin, wala silang problema ng ina ng kanyang mga anak at lumalabas silang magkakasama para maipakita sa mga bata na one big happy family sila.

    Sa nanay nila nakatira ang kids, pero pumupunta raw sa kanya ’pag weekend at ’pag may okasyon. Of course, all the way siyang sumusuporta sa mga bata.

    Nakikita rin naman daw ni Marvin ang sarili someday na ikasal at naniniwala raw siya sa kasal.

    “But I believe na hindi mo ’yan binibigay sa isang tao. Binibigay ’yan sa inyong dalawa. There are lots of ways para maipakita mo ang pagmamahal mo sa isang tao. And marriage is parang a result of your love.

    “Maganda siyang mangyari, pero hindi siya ’yung basis ng pagmamahal,” say ni Marvin nang makatsikahan namin sa Boqueria, ang bago niyang restaurant sa Mega Fashion Mall, Megamall.

    Ayaw sabihin ng aktor kung may karelasyon siya ngayon o wala. Basta aniya, excited siya sa weekend series niyang Obsession every Thursday sa TV5.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here