James Reid bagong pantasya ng kabaklaan

    485
    0
    SHARE

    SA TOTOO LANG, ang lakas ng dating ni James Reid ngayong na-develop na ang kanyang katawan at may abs na siya. Hindi malayong any time soon, kahit contract star ang binata ng Viva, ay i-cast na rin siya ng ABS-CBN sa kanilang programa.

    Si James ang grand winner ng PBB Teen Edition ilang taon na ang nakakaraan. Pero hindi siya naging visible sa mga programa ng ABS-CBN dahil payat pa siya noon at hindi sanay sa Tagalog.

    Ngayon ay ready na si James i-conquer ang showbiz sa pamamagitan ng kilig movie ng Viva Films na Diary Ng Panget na ipalalabas sa April 2.

    Ang guwapo ng rehistro ni James on screen at hindi isyu sa kanya ang magpakita ng katawan sa pelikula na katulad din ng ginawa niya sa presscon ng movie kamakailan lang.

    Welcome din sa kanya ang ideya na magpaseksi sa movie kung mabibigyan ng chance. Wow! Isa rin si James ngayon sa bagong pinagpapantasyahan ng mga bading.

    Si Nadine Lustre, contract star din ng Viva, ang partner ni James sa Diary Ng Panget. Dating “Ilustre” ang surname na ginagamit ni Nadine, pero pinalitan na ito ng “Lustre” na ang ibig sabihin sa Tagalog ay “kinang.”

    Well, mas bagay nga naman ito sa pangalan niya. Sa Diary ng Panget, may wet scene sina Nadine at James sa lanai, pero ayon kay Direk Andoy, wholesome ang pagkakagawa niya nito.

    Ang Diary Ng Panget ay movie adaptation ni Mel del Rosario ng No. 1 best-selling book with the same title na si Denny ang author. The book is also an online phenomenon dahil umabot ito ng 12 million hits sa Wattpad.

    Ang tindi, di po ba?

    Kasama rin sa movie ang dalawa pang Viva contract star na sina Yassi Pressman at Andre Paras.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here