Marian Rivera, Katrina Halili muling maghaharap

    503
    0
    SHARE
    Tiyak na wala sa plano ng GMA 7 na isabak si Katrina Halili sa Darna ni Marian Rivera. ‘Di ba matagal na pinag-usapan ang kontrobersyang ito lalo na nga’t panahon ‘yun ng tungkol din sa pagsali sana ni Cristine Reyes sa parehong fantaserye.

    As we all know, wala sa kanilang dalawa na napasok sa Darna, sa halip nag-iba ang takbo ng kanilang career.

    Ngayon nga ay excited na si Marian sa pagpasok ni Katrina Halili sa Darna para gampanan ang isang importanteng role sa series. Balak Valentianng role niya. Sa uang serye na bida si Angel Locsin, Black Darna ang ginampanan ni Katrina Halili.

    Maganda raw ibalik ang team-up nila ni Katrina na unang napanood sa Marimar and this time, tinitiyak ni Marian na wala nang intriga sa kanilang dalawa at pareho silang magtatrabaho.

    “After Darna, gusto ko naman ang ibang genre para makapahinga muna ako sa fight scene at sa pagsusuot ng costumes. Gusto ko ng something light na project para magpataba ako dahil habang may Darna, hindi ako puwedeng kumain ng marami at magkakabilbil ako.”

    Lagi nga raw siyang sinasabihan ni Dingdong na kumain na hindi niya magawa at takot tumaba. At least, nakapagpahinga ang dalawa dahil sa trip nila sa Singapore at Malaysia para sa Dyesebel.   

    Wala silang problema ni Dingdong, ibig sabihin hindi totoo ang tsikang nagseselos siya kay Rhian Ramos na kapareha ng actor sa Stairway to Heaven?

    “Alam ko namang magka-love team sila, ang importante okey kami ni Dong. Nakakatuwa nga dahil dumoble ang pag-papakita niya ng care at pag-iintindi sa akin ngayon,” ani Marian.

    Very proud si Marian sa achievements ni Dingdong at mga ginagawa nitong pagtulong sa mga nabiktima ng bagyong Ondoy at Pepeng na ang rehabilitation naman ng mga nasirang eskwelahan at gamit sa eskwela ang binibigyan ng pansin, kaya suportado niya ito.


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here