1.
Tila may katotohanan ang pangako ng PANGULO na may mga makukulong bago SUMAPIT ang pasko tulad ng mga Discaya na kailan lang NAARESTO at ng walong engineer na nakasama sa TRABAHO dahil sa maanomalya na GHOST PROJECT diumano na nagkakahalaga ng halos DAANG MILYONG PISO
2.
Ang ganitong pangyayari’y malinaw na INDIKASYON na sa mga anomalya ang palasyo’y TUMUTUGON katulad ng PINANGAKO na may mga makukulong sa opisyal ng gobyerno na may bahid ng KORAPSIYON kung hindi man ngayong PASKO maaring sa bagong taon sa piitan MAGDIRIWANG ng nasabing selebrasyon
3.
Na kung ating tutuusin ang parusa’y hindi SAPAT para sa katulad nilang sa korapsiyon ay TALAMAK sa kanilang panlilinlang ay BITAY ang nararapat dahil ang gawain nila ay hindi KATANGGAP-TANGGAP ang parusang kamatayan malabong MAIPATUPAD dahil ito ay wala pa sa ating SALIGANG BATAS
4.
Ang parusang KAMATAYAN hangga’t hindi umiiral patuloy na dadami ang MANDARAMBONG sa’ting bayan ganoon din sa hanay ng mga druglord at KRIMINAL na di dapat manatili dito sa ating LIPUNAN sapagkat sila ang ugat ng lahat ng KASAMAAN na NAGHAHASIK ng lagim na banta sa ating buhay
5
At ngayong nakakulong na ang mag-asawang DISCAYA mamamayang Pilipino’y NABUHAYAN ng pag-asa sa araw na PAPARATING maaaring dumami pa itong mga MAGPAPASKO sa loob ng mga selda lalo na kung may batayan at sapat na EBIDENSIYA na inihain sa korte ang mga NAG-IMBESTIGA
6.
Unti-unti, lumilinaw at dumarami ang SANGKOT sa mga flood control project na di naman pala TAPOS lalo ngayon ang gobyerno ay puspusang KUMIKILOS na ang lahat ng tiwaling opisyal ay MAPANAGOT ang bayan ay UMAASA na walang makakalusot pinsan man o kapartido ni pangulong BONGBONG MARCOS
7.
Maligayang PASKO na lang at MANIGONG BAGONG TAON sa lahat ng opisales na ngayon ay NAKAKULONG dahil sa ginawa ninyong pamemeke sa FLOOD CONTROL marami ang nagdusa sa kababayan nating PINOY sana ay dyan na lang kayo at hindi na MAKASUMPONG ng hangad na kalayaan sa tulad niyong MANDARAMBONG



