Dami ng mga supporters nina Maja Salvador at Matteo Guidicelli ang nangungulit sa amin sa Facebook kung ano na ang estado ng relasyon ng dalawa.
May mga naririnig daw kasi silang di nagkakamabutihan ang dalawa and nagtataka sila sa mga tweets ni Maja alluding na break sila ni Matteo.
“Ang bilis lang kumalat ng maliliit na stories, but I’m sure, Maja and I will fix whatever it is, and nothing to worry about,” pahayag ni Matteo which means may problema nga sila.
Pero hindi na in-elaborate ng aktor kung ano ang problemang dinadaanan nila ni Maja ngayon.
“Wala lang, I haven’t spoken to her, she’s busy pa, we have to talk pa, but okay naman lahat, you know, we’re okay. You know, little arguments here and there, but okay naman. That’s normal ’di ba, in every relationship.
But wala, I won’t confirm anything, nothing, nothing,” say pa niya.
May mga lumabas na balitang ang kawalan daw ng oras ng dalawa ang dahilan ng pagkakalabuan at itinanggi naman ito ni Matteo?
“Oras? Hindi naman, hindi naman. She’s very understanding and I’m very proud of her career and she’s also very supportive.”
Kinumpirma rin ni Matteo that her feelings for Maja is still the same.
“Oo naman. She knows that, she knows that naman, how much I love her.”