Maine Mendoza dinumog sa Stars Walk of Fame ceremonies

    264
    0
    SHARE
    KAHIT masama na ang pakiramdam ni Alden Richards ay nakuha pa rin nitong mag-report sa “Eat Bulaga.”

    Gayunpaman, hindi na niya kinaya na dumalo sa 10 ng Stars Walk of Fame ng Master Showman na si Kuya Germs sa Eastwood City kung saan isa siya sa mga inductee. Hindi na siya pinayagan ng kanyang doctor pero nakadalo ang kanyang ka-love team na si Maine `Yaya Dub’ Mendoza maging ang tatlong lola sa Kalyeserye na sina Wally Bayola, Jose Manalo at Paolo Ballesteros.

    Sa pagdating pa lamang sa venue ni Maine ay hindi na magkamayaw ang mga tao.

    Dinagsa talaga ng mga tao ang Eastwood City na tila fiesta kapag dumarating ang December 1.

    Tanging sina Alden, Camille Prats at Mark Bautista lamang ang hindi nakarating sa mga inductees.

    Naroon ang iba pang honorees tulad nina Gabby Concepcion, Alice Dixson, Julie San Jose, Enrique Gil, Sam Concepcion, Eula Valdez, The Company, Sunshine Dizon, Jake Vargas, Dindi Gallardo, Randy Santiago, Buboy Villar, Kara David, Gerphil Flores, Rocco Nacino and Harlene Bautista who represented her father na si Butch Bautista.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here