BALANGA City, Bataan: Mahigit 3,000 tricycle drivers sa lungsod na ito ang tatanggap ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development simula ngayong Miyerkules.
Sinabi ni Lalaine de Leon, city social welfare and development officer, na 1,089 tricycle drivers ang mabibigyan ng tig P5,000 ngayong Miyerkules. Ang payout ng iba, aniya, ay sa darating na Biyernes at Lunes hanggang makumpleto ang kabuuang 3,322 benepisyaryo.

“Ito ay tulong ng pamahalaan sa mga tricycle drivers dahil sa taas ng presyo ng gasolina. Wala na silang kinikita,” sabi ni de Leon.
Masaya naman si Robert Antonio ng Barangay Cataning, Balanga City matapos makatanggap ng ayuda na, aniya, para sa gasolina. “Sana bumaba na presyo ng gasolina,” panawagan ni Antonio.(30)



