Home Headlines Magkapatid mula sa Bulacan wagi sa chess tournament sa Thailand

Magkapatid mula sa Bulacan wagi sa chess tournament sa Thailand

160
0
SHARE

(Nagbunga ng karangalan sa bansa ang puspusang pageensayo ng magkapatid na Cruz na mga batang chess players mula sa Malolos, Bulacan. Nasungkit ni Daniela Bianca Cruz ang 1st runner up habang si Jeremiah Cruz ay nasungkit ang 2nd runner up. Kasama ng magkapatid sa litrato ang kanilang mga magulang. Kuha ni Rommel Ramos)

LUNGSOD NG MALOLOS — Wagi sa ginanap na 2nd Pattaya Open Chess Championship, Bay Beach sa Thailand ang magkapatid na chess players mula sa nasabing lungsod.

Ang magkapatid na chess players ay sina Daniela Bianca Cruz o Betchay, 8, Grade 3 pupil, at ang kanyang kuya na si Jeremiah Cruz, 14, Grade 9 student ng Sto. Rosario CMIS at kapwa residente ng Brgy.Mabolo.

Ayon kay Reden Cruz, ama ng magkapatid, malaki ang paniwala niya na mag-uuwi ng karangalan sa bansa ang mga anak sa nilahukang chess tournament na ito.

Aniya, humilab pa ang tiyan ni Betchay at nagsuka ito sa kasagsagan ng championship round.

Tinanong pa daw ito ng referee kung nais pang ituloy ang laban dahil sa masamang pakiramdam ngunit tinuloy pa rin ito ni Betchay at nasungkit ang 1st runner-up.

Nakuha naman ng kanyang kapatid na si Jeremiah ang 2nd runner-up matapos ang tie breaker sa katunggaling Thailander.

Sa ngayon ay pinaghahandaan ng magkapatid ang isa pang malaking chess tournament sa Singapore sa susunod na taon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here