PILAR, Bataan – Isang magbobote ang namatay Martes ng gabi matapos mahagip ng isang tricycle habang tumatawid sa national highway sa Poblacion, Pilar papauwi sa kanilang tirahan sa kalapit na barangay.
Kinilala ni Insp. Ronnie Fabia, chief of police dito, ang biktima na si Renato Espiritu, 51, ng barangay Del Rosario, isang scavenger na nangangalkal ng mga lumang bote upang ipagbili.
Ayon sa report ng pulisya, namatay noon din ang biktima sa lakas ng pagkakabundol na nagpatilapon sa kanya sa tabi ng kalsada. Naganap ang sakuna bandang alas-8:50 ng gabi.
Sinabi naman ni Ariel Candelaria, 42, isang karpintero na may dala ng tricycle, pinilit niyang iwasan ang diumano’y biglang tumawid na biktima subalit nahagip pa rin niya ito. May kaunting yupi sa gawing kanan sa unahan ang tricycle na umano’y hiniram lamang ng karpintero.
Si Candelaria na taga- barangay Del Rosario rin ay pansamantalang nakulong sa Pilar municipal jail Nakalabas din matapos magkasundo ang dalawang panig na ayusin na lamang ang kaso sa isang out of court settlement.