Home Headlines Magaganda at malaking slides sa resort dinarayo

Magaganda at malaking slides sa resort dinarayo

443
0
SHARE

ABUCAY, Bataan: Patuloy na dinarayo tulad ngayong Sabado dahil sa mainit na panahon ang isang inland resort sa tabi ng Roman Superhighway sa Abucay, Bataan dahil sa magaganda nitong mga log- designed  cabins at kaakit-akit na padulasan o mga slides sa mga swimming pool.

Ang Raven Resort ay may apat na swimming pool na ang dalawang slides ay masasabing maaaring dalawa sa pinakamalaki at pinakamaganda sa lalawigan.

Ang bagong swimming pool at slides na pangbata ay pinakamakulay sa lalawigan.  Sea creature-inspired ito na may replika ng seahorse, nemo, starfish at iba pa. May makukulay na arko na may lumalabas na tubig na parang shower.

May tila malaking timba sa itaas na kapag napuno ay kusang bumubuhos at bumubulwak ang tubig.

Wiling-wili rin ang mga bata sa paliligo sa swimming pool na may  slide na inspired sa pirates at Thomas and Friends.

Sa bahagi ng malaking resort,  may mga open huts at magagandang cabins kung saan masayang nagkakainan at nagkukuwentuhan ang mga bisita.

Sinabi ni Raven Resort manager Leony Hernandez na sinisiguro nilang nasisiyahan ang bawat bisita nila.

Ang entrance fee sa day rate (9am to 4pm) adult – P150 at P80 sa bata; night rate (2pm to 9pm) adult – P200 at P100 sa bata. Ang cottage ay P500.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here