Home Headlines Mag-asawa, 3-anyos na anak patay sa banggaan

Mag-asawa, 3-anyos na anak patay sa banggaan

1305
0
SHARE

Ang burol ng mag-anak na nasawi sa banggaan. Kuha ni Ernie Esconde


 

ABUCAY, Bataan — Patay ang isang mag-asawa at ang kanilang 3-taong gulang na anak na lalaki matapos mabundol ang sinasakyan nilang motorsiklo ng isang SUV sa bahagi ng Roman Highway sa bayang ito Sabado ng gabi.

Sinabi ni Major Leopoldo L. Estorque, Jr., Abucay police chief, na ang rider na si Den Mark Magramo, 25, at kaangkas niyang live-in partner na si Jossanye Sarmiento, 23, ay namatay on the spot. 

Ang kasama nilang anak na si Jed Mark Magramo ay isinugod sa Bataan General Hospital sa Balanga City ngunit idineklara ng duktor na dead on arrival. 

Ang motorsiklong sinasakyan ng mga biktima ay kakaliwa sa kanto ng Sitio Grego mula sa Roman Highway nang mabangga ng parating ng Toyota Land Cruiser na galing ng Balanga City.

Ayon kay Neri Magramo, galing ang mag-aanak sa bahay ng mga ito sa isang sitio sa Calaylayan at dadalaw lang sa kanila sa Sitio Grego  nang mangyari ang sakuna bandang alas-7:30 ng gabi. 

Sa pagkakaalam niya umano ay nakadetine sa Abucay police station ang driver ng nakabangga sa motorsiklo ngunit kalaunan ay  dinala sa ospital dahil sa pagkabigla. 

May pasabi umano sa kanila na tutulong ito sa pagpapalibing sa kanyang mga kaanak ngunit hindi pa nila ito nakakausap. 

Sinabi ni Major Estorque na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to death and damage to property ang SUV driver na si Rissadel Mendoza, human resources manager ng Subic Bay Metropolitan Authority.  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here