Luis Manzano ayaw magsalita tungkol sa break up nila ni Angel Locsin

    174
    0
    SHARE
    Ikinatuwiran ni Luis Manzano na hindi naman daw sila lumantad ni Angel Locsin na sila na nga, kaya ngayong balitang-balita ‘yung isyung break na sila, hayaan na lang daw na maging tahimik at maging pribado ang lahat ng kaganapan sa kanilang paghihiwalay.

    Pero tiniyak ni Luis ang maraming press people na talagang wala namang third party involved na sinasabing naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

    Itinanggi niyang si Maricar Reyes ang tunay na dahilan kaya niya hiniwalayan si Angel.  “Nope, that’s not true.  Kilala ko si Maricar, but we are not close. Siya sana ang magiging leading lady ko sa Flash Bomba pero ‘di natuloy. Hanggang du’n lang ang connect namin ni Maricar,” sabi pa nito.

    Na-disappoint nga ang maraming writers dahil hindi niya nasagot nang maayos ang karamihan sa tanong at hindi niya nalinaw kung ano ba talaga ang estado nila ng girlfriend.

    “I don’t want to give you false answers. I’d tell you straight up na hindi ko pag-uusapan ’yung kung ano man ang pinagdaraanan namin ni Angel.

    “So, instead of mambola lang ako rito, paikut-ikutin ko ang kuwento, I’d tell everyone right now I’d rather talk about other things,” sabi ni Luis.

    Paulit-ulit ding sinabi ng aktor na nakapagsalita na siya sa isa pang movie reporter kaya ’yun na lang ang basahin namin, na lalong ikinatampo ng ilang writers, dahil bakit sa isang reporter lang niya gustong magsalita?

    Ang punto ng showbiz writers, kung ayaw niyang magsalita, dapat ay naging consistent siya sa lahat at hindi ’yung may pinipili siya.

    Nang tanungin kung bakit nagpa-interview si Luis nu’ng time na ’yon sa isang reporter, ang sinabi lang niya ay out of impulse siguro.

    Anyway, naitanong din kay Luis ang tungkol sa hindi paghu-host ni Angel sa tv special ni Ate Vi at ipinagtanggol ng aktor ang (ex?) girlfriend.

    “Huwag tayong humusga agad kung ano man ’yung reason kung bakit hindi niya ginawa. I am sure there’s something behind it naman talaga.

    “Hindi naman siya basta-basta magti-trip na hindi pupunta sa taping. We all know, Angel is a very, very professional artist. Hinding-hindi siya ganu’n,” pahayag ni Luis.


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here