Lovi Poe pinangangatawan ang pagigiging sexy actress

    119
    0
    SHARE

    Marami ang nakapapansing sobrang daring ngayon si Lovi Poe. Can you imagine na undies lang ang suot niya sa isang fashion show kamakailan. No one would imagine that Lovi can do such a sexy thing. “Hindi siya yun, di kaya sinasapian na siya,” aliw na komento pa ng isang malapit sa kanya.

    Sa Temptation Island naman, meron siyang matinding kissing scene kay Aljur Abrenica. Kumbaga, siya pa ang nag-seduce kay Aljur na gumaganap na virgin sa istorya.

    Sa isang pelikulang gagawin niya sa Regal, mga matinding bed scenes naman ang gagawin nila nina Jake Cuenca at Dennis Trillo. Kilalang parehong makatotohanan sa sex scenes ang dalawang aktor na puwedeng lumampas sa dapat gawin dahil nga baka di makapagpigil ang mga ito sa alindog ni Lovi .

     “After I won best actress awards for ‘Sagrada Familia’ and ‘Mayohan,” I feel okay naman to play more mature roles as I’m not a teenybopper anymore. I have to grow as an actress. As for the Bench fashion show, it’s only when I got there that I found out what I’d wear and, considering how good Bench Body is to me, okay lang yun.”
    Kailan lang, mismong ang biyenang hilaw na si Chavit Singson ang nagbuking na very much on pa raw sina Lovi at ang anak nitong nakakulong sa Hongkong na si Ronald Singson. Na hinalakhakan lang ni Lovi nang makorner at di na nakantanggi.

    “Naku, whatever’s going on in my private life, I’d rather keep it private. All I can say is mas masaya ang kinalalabasan ng buhay ko pag wala akong lovelife.”

    Oo nga anman, may katuwiran talaga si Lovi Poe. Sa panahong nasa kulungan ang lover niya, mas malaya siya ngayon dahil nga wala naman siyang lovelife. Oo nga may bf siya pero nasa loob nga kaya lahat ng time ni Lovi, devoted sa kanyang trabaho.

    As a result, puno ang sked ng alaga ni Leo Dominguez. Lovi as we all know is also nominated sa Best Actress category sa 27th Star awards for Movies dahil sa role niya sa indie movie na Mayohan.

    Tinatapos pa lang niya ang Tempataion Island, nakahanda na’ng dalawang pelikula niya sa Regal Films. Parehong sexy ang role niya rito. “She’ll also do the remake of Disgrasyada that launched Rio Locsin to stardom in 1979 .

    Sa TV, busy siya as Althea in Captain Barbell. “I’m really thankful to the Lord for all the blessings coming my way,” she says. “Kahit pagod ako, masaya pa rin as my roles are all good and challenging. I love my role in Temptation Island as the rich beauty queen who’s a brat at kaaway ng lahat. Pero on cam lang yun kasi, off cam, maganda ang samahan namin nina Marian Rivera, Heart Evangelista, Solenn Heussaff and Rufa Mae Quinto. Walang patalbugan. But enjoy talaga ako sa role as it brings out the inner bitch so it’s fun. I’m so maarte I even bring my own yaya in the desert island, si Rufa Mae nga.”

    So there!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here