Ano ang puwedeng gawin ni Angelica Panganiban kung sakaling totoong masungkit na ng ibang babae si Derek Ramsay?

    112
    0
    SHARE

    Dami na ng hindi natutuwa kay Angelica Panganiban sa mga lately ay pahayag niya tungkol sa mga di umano’y gustong umagaw sa kanya sa dyowang si Derek Ramsay. One even went as far na saying, sobrang yabang na raw ni Angelica na akala mo talaga, siya na’ng pinakamaganda sa mundo na kahit anong gawin ng ibang babae, di nila maaagaw sa kanya si Derek. Yung iba naman nagsabing sobrang insecure na raw ni Angelica at yun ay pagpapakita ng kahinaan pagdating sa kanyang sikolohiya. Kumbaga, tila hindi nga makayanan ni Angelica na mawalasa kanyang piling si Derek Ramsay.

    Isa samga sampol na pahayag ni Angelica ay yung pahayag niya na ikinagulantang daw ni Erich Gonzales. Kahit wala siyang tinutukoy na pangalan, malinaw na si Erich nga’ng pinatutungkulan nito. Natural, may mga taong kampi kay Erich na kahit paano, ipagtatanggol naman ito. Besides, may image na flirt si Erich, kaya nga siya na-single out ni Angelica sa isyung inaagawan ito ng boyfriend.

    “Ang hirap talagang maging maganda at saka maging sobrang hot kasi nga talagang gusto nila agawin lahat ang nasa ‘yo. Ang yummy pa ng boyfriend ko ‘di ba, package deal, lahat na nasa kanya. So gano’n talaga. Minsan may gustong mang-agaw sa boyfriend mo,”

    So far, di lang naman si Erich ang na-link kay Derek, marami pa, di na mabilang. Kami, naniniwalang hindi naman nag-iimbeto lang ang ilang tao na nagsasalita. Mukha ngang matakaw naman sa babae si Derek na kahit poste, basta lagyan mo ng palda ay papatulan. Ilang pangalan na ba’ng lumitaw, kahit ba isa riyan walang totoo? Na talagang object lang ng kontrobersya si Derek na iniimbentuhan ng mga ganoong kabalbalan?
    Hello!

    O baka naman kapit-tuko lang talga si Angelica sa present boyfriend, kasi naranasan na niya ang iba pang nang-iwan sa kanya sa ere. Na sa ngayon, talagang nirerendahan na niya si Derek para di na maagaw pa sa kanya. Isa pa, di kaya alam ni Angelica’ng sakit ng mga babaing malandi dahil at one point, dumaan din siya pagiging flirt? Huwag i-deny, ganyan naman talaga’ng karamihan sa mga babae, nagpi-flirt sa mga guwapong lalaki kahit may asawa na.

    Di ba Joesph Bitangcol?

    Kumbaga, fear of the unknown yun na sa sobrang pagmamahal nga ni Angelica kay Derek, parang di niya matanggap ito kaya nagyayabang na siya to the point na pinalabas na niyang siya ang pinaka-hot, siya ang pinakamaganda na hindi na talaga puwedeng ipagpalit ni Derek sa iba.

    Ilusyunada, kumbaga.

    Paano naman kayu kung tuluyang iiwan ni Derek si Angelica, di kaya mabaliw na ito?

    Hahaha!

    Nagtatanong lang?

    Noong araw, halos magpatayan na sila ng isa pang artista dahil lang sa lalaki. This time siguro, kung may mas grabe pa sa pakikipagpatayan, gagawin yan ni Angelica.

    Pero atat ba sa kanya si Derek o baka naman pinagpapapasasaan lang siya nito? For so long, di pa naisip na pakasalan ni Derek si Angelica whoi’s patiently waiting. Nakapagtatakang everytime na tinatanong si Derek, buong seryosong sinasabi nitng di pa siya ready.

    Since nasa topic na nga tayo ng kasalan, can we expect wedding bells to ring this year for him and Angelica Panganiban. After all, almost five years na pala ang relasyon nilang dalawa.

    But did you know na matagal pa raw at imposibeng this year na ito maganap? Una, ayaw daw niyang ‘makisukob’ sa taon sa kapatid niyang babae who is getting married June 8.

    Pangalawa, kapuwa ‘puno’ ang schedule nila ni Angelica this year.

    Sa dalawang nagmahalan, isyu pa ba’ng tight sked para magpakasal?

    Hindi kaya talagang ayaw lang ni Derek na pakasalan si Angelica Panganiban?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here