Lovi Poe lilipad pa-Japan minus Rocco Nacino

    372
    0
    SHARE

    Mag-iisang taon na ang relasyon nina Lovi Poe at Rocco Nacino sa April. Ito ang kinuwento niya sa amin ng makatsikahan siya presscon ng “ Shake, Rattle & Roll XV.”

    Plano nila ay sa Japan i-celebrate ang kanilang first anniversary dahil balak ng aktor na dalhin ang buong pamilya niya sa buwan na ‘yun.

    “Hindi talaga ako particular sa dates. Nagagalit nga siya sa akin …sabi niya next time sana maalaala mo. Ha!ha!ha,” bulalas pa ni Lovi. Pero next week ay papunta ang aktres ng Japan kasama ang kanyang ina. Pahinga at bonding nilang mag-ina dahil nagkasunod-sunod din ang trabaho niya.

    “Gusto ko lang kumain ng sashimi doon,” humahalakhak na pahayag ng aktres. Hindi niya makakasama ang nobyo dahil may taping daw ito ng ‘Hiram na Alaala’ ng GMA 7. “Saka kami naman ni Rocco, may mga bagay na ginagawa kami separately. Hindi kami ‘yung tipo na gusto parating magkasama,” sabi pa ng pa ng dalaga.

    “Ako, siyempre, gusto rin naming magkasama kami, pero importante rin talaga ‘yung space, eh. For me, ha, sa isang relationship. Kasi para pagbigyan kayo ng oras para ma-miss n’yo ang isa’t isa,”dagdag pa niya.

    Pero hindi boring ang relationship nila dahil pag magkasama sila ay may bago silang ginagawa. Mahilig silang mag-adventure together. Light, cool at enjoy ang relasyon nila.

    “Ang tagal kasi naming naging magkaibigan kaya parang it just came out naturally na ganu’n lang. Playful kasi si Rocco, eh,” sey ni Lovi. “Nu’ng isang araw, nag-rock-climbing kami sa The Fort. Sabi ko kasi, gusto kong ma-overcome ‘yung fear of heights ko. So, nag-start ako na mag-rock-climbing kahapon.

    Inisip ko na gawin namin, pumayag naman siya. When I started doing it, I started looking down para ma-overcome ko ‘yung fear na ‘yun. So, okay naman. Hindi naman ako nahulog. Na-climb ko naman lahat ng walls, kahit mahihirap,” salaysay pa niya. Uulitin pa raw niya ‘yun para tuluyang mawala ang fear niya sa heights.

    Ayon pa kay Lovi ang best adventure nila ni Rocco ay nu’ng mag-Europe sila. Dun nadiskubre ni Lovi na magaling tumawad ang boyfriend niya. Type niya kasing bumili ng painting ng mga street artist doon. May dalawa siyang nagustuhan na sa pesos ay 30 thou ang isa. Gustong-gusto niya ang paintings at nagandahan siya pero mahal. Ang ginawa ni Rocco ay tinawad-tawaran niya ito hanggang makuha nila ito ng 12 thousand pesos ang halaga.

    “Sobrang galing niya. Sabi ko, ‘Sama ka na sa akin forever ‘pag bibili ako! Natuwa ako sa kanya. Dapat, lagi ko na siyang kasama ‘pag may tawaran na magaganap! Ha! Ha! Ha,” sambit pa ni Lovi.

    Anyway, Flight 666 ang episode ni Lovi sa ‘Shake, Rattle & Roll XV’ ng Regal Entertainment. Official entry ito sa Metro Manila Film Fesival sa December 25. Challenge kay Lovi at may takot na na-experience habang sinu-shoot ang pelikula. Sa loob lang kasi ng plane ang mga eksena niya.

    Actually, tuwing sumasakay siya ng plane, katakut-takot na dasal daw talaga ang kanyang ginagawa. “’Yung turbulence talaga, always scary for me. Parang everytime na pumapasok ako sa plane, paranoid na talaga ako, eh.

    Kasi wala ka nang ibang matatakbuhan, eh. Andu’n ka lang sa air, so, nowhere else you can go. So, ’pag may turbulence talaga, ’yun talaga, as in, I pray for my life,” deklara niya. Kasama rin ni Lovi sa ‘Shake, Rattle & Roll XV’ sina Carla Abellana, Erich Gonzales, JC De Vera, Matteo Guidicelli at Dennis Trillo

    Sa ibang look naman ni Rocco ngayon na may balbas at bigote ay type daw ito ni Lovi. “Gusto ko ‘yung bigote niya.

    Kasi nu’ng tumutubo na, sabi ko keep it .” Nag-iba kasi ang character ni Rocco dahil sa bagong look na bumagay rin sa role niya bilang Otep sa “Hiram na Alaala”.

    “Yeah, nagmukha siyang bad boy,” sambit ni Lovi sabay tawa. “Mukha lang naman siya,e!,” dugtong pa niya dahil sa totoong buhay ay mapagmahal, cool at maalaga siyang nobyo.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here