Lance Raymundo pinerahan ng dating manager? Milyones daw ang natangay?

    42
    0
    SHARE
    Nega pala yung taismis na kaya nagkahiwalay sina Lance Raymundo at ang manager niyang si Charlotte Diangco ay dahil sa malaking perang di umano’y nadispalko ng huli kay Lance.

    “Hindi totoo yan. Wala kaming perang pinag-awayan, medyo personal lang ang lahat. Mali naman po yung kaya kami naghiwalay ay dahil sa pera.  Pag tungkol po dun, walang dahilan para kami maghiwalay,” sagot pa ni Lance sa mga reporter.

    “Medyo may pagkapersonal daw ang dahilan kaya siya umalis sa poder ni Charlotte. Wala naman daw silang kontrata at kesa naman lumala pa yung di nila pagkakaintindihan sa isang personal na problema, mas minabut na ni Lance na lumayo na lang.

    Pero di naman daw niya kinakalimutan yung malaking bagay na nagawa ni Charlotte para sa kanyang career.

    “Malaki ang utang na loob ko sa kanya. I would remain to be loyal to her, no matter what.”

    So there!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here