Ng isang ospital dito sa Pampanga
Na huwag nang banggitin ang pangalan niya
At pagkakilanlan sa ospital nila
Kung saan naganap itong insidente
Ng nakawan at ang biktima ay bale
Kapamilya mandin mismo ni ‘yours truly,’
Kaya’t ang pangamba nila ay malaki
At maaring ikasira ng ospital,
Partikular na ng pinaka-head bilang
At iba pang staff ng pangasiwaan
Na responsable sa insidenteng ganyan
Kung isisiwalat nating isa-isa
Ang ilang bagay na puedeng maging mitsa
Ng mga untoward incident sa tuwina
Dahil sa kakulangan ng disiplina
Nitong pamunuan ng ahensya mismo
Ng mga sekyu na nagbabantay dito,
Na ang tamang oras ng dalaw di nito
Mahigpit na pinatutupad sa tao.
Kasi kung di dahil sa lubhang maluwag
Sa pagpapasok ang ‘security guard’
Papanong kahit na alanganing oras
Na kagaya nga ng alas nuebe dapat
Ng gabi, sarado na rin sana ang ‘gate’
O ‘main entrance,’ sa liban ‘emergency gate,’
Pero pinayagan pa nang magpumilit
Umanong pumasok ang probable suspect,
Nang mga around 3:00 to 4:00 o’clock yata
Ng umaga yan ay di maikakaila,
Na isang malinaw na pagpapabaya
Nitong ‘guard on duty’ nang gabing mawala
Ang perang pambayad sana sa ospital,
Nitong aking anak na nasalisihan
Ng suspek na kanilang hinihinalang
Sa bintana mismo ng CR nagdaan
Nang makuha ang bag na kinalalagyan
Ng pera, at di na sa ‘emergency gate’
Nagdaan marahil ang posibleng suspek,
Kaya sa CCTV di na ma-detect
Ang kahit man lang na malabo niyang ‘image’
Na ayon sa guardya ay makikilala
Nito ang sa kanya ay nagpumilit na
Pumasok kung kaya maituturo niya,
Pero negatibo ang naging resulta
Ng aming ginawa na paulit-ulit
Pag-replay sa bagay na unang nabanggit,
Kasama ang ‘head of hospital’ at pulis
Sa loob mismo ng ‘executive office’.
Sa puntong ito ang posibleng asahan
Na lang ni ‘yours truly’ ay ang pangako r’yan
Ng Administrator o pangasiwaan
Na ang ninakaw na pera’y papalitan;
Sa pamamagitan ng pagkaltas kumbaga
Ng umano ay katumbas na halaga
Nitong nawala sa nasabing biktima,
Mula sa ‘security agency’ nila.
At sana’y magsibing isang gintong aral
Sa lahat ang gaya ng pangyayaring yan
Ang masaklap naming naging karanasan
Sa isa manding napakagandang ospital.
Na animo’y private ang klase ng service,
Gayong sa totoo lang ito’y isang public
hospital, at saka ang buong paligid
Ay talaga naman ding napakalinis.
At tangi lang na ating maipipintas
Ay ang kapalpakan ng security guards,’
Kung saan sa loob man pala’y di ligtas,
Kaya’t ang kailangan ay ibayong ingat!