Home Headlines Laban sa Omicron variantSeguridad sa Clark airport mas pinaigting

Laban sa Omicron variant
Seguridad sa Clark airport mas pinaigting

901
0
SHARE

Mahigpit ang pagpapatupad ng safety protocols sa Clark upang seguruhin na hindi makapasok sa bansa ang Omnicron variant ng Covid-19. Kuha ni Rommel Ramos


 

CLARK FREEPORT — Mas mahigpit ang pagbabantay ngayon sa Clark International Airport dito bilang pagtugon sa atas ng gobyerno upang hindi makapasok ang Omicron variant ng Covid-19 sa bansa.

Ayon kay Teri Flores, information officer ng LIPAD Corp., bagamat walang direct flight sa kanila ang mga bansang may naitatalang kaso ng Omicron variant ay mahigpit pa rin ang pagpapatupad ng safety protocols sa Clark.

Posible kasi aniyang makalapag sa Clark ang mga pasaherong may connecting or transit flights mula sa mga bansa na may mga naitalang kaso ng Omicron variant kayat mahigpit ang pagbabantay sa paliparan.

Mahigpit ang pagbabantay ng mga airline companies kasama ang Bureau of Immigration, Bureau of Quarantine at ng LIPAD mula pa lamang sa point of origin ng isang pasahero

Sa paglapag ng mga pasahero ay dumadaan na ang mga ito sa thermal scanner, pag-fill out ng health declaration at Covid-19 test.

Ang lahat ng pasahero ay mag-undergo ng mandatory quarantine sa mga facility partner or hotels sa Clark depende sa uri ng bakuna ng isang pasahero.

Sa ngayon ay nasa 800 passengers ang kapasidad kada araw sa Clark mula sa 450 daily passengers capacity noong kasagsagan ng Delta variant.

Bahagya na aniyang tumaas ang bilang ng gumagamit ng paliparan mula ng ipinatupad na ang alert level system at granular lockdown.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here