Kung anong klase ng patakaran mayr’on
itong sa Apalit ang ‘trade name’ nyan ASCOM,
iyan sa Central Bank tama lang sigurong
maiparating din ang ganitong tanong.
Upang matuldukan ang di makatuwirang
pakikitungo ng isang empleyado riyan
sa isang tulad kong humihingi lamang
ng ‘summary of loan’ ayaw akong bigyan?
May pagkakautang ang isa kong anak,
na ‘co-maker’ ako, kung saan marapat
malaman kung itong isa nagbabayad,
ano’t ayaw akong bigyan niyan ng ulat?
Samantalang itong isa – sa ‘Window 1’
nang ako’ng humingi noon ay nagbigay.
Ang nasa ‘Window 4’ ngayon aba’y ayaw,
dahil umano sa ipinagbabawal!
Saang artikulo ng Saligang batas
ang pinagkunan ng panot na ‘Accountant’
‘Contrary to what I said it’s a must,’
pero dinedma lang aming pakiusap.
Na isyuan kami ng ‘summary’ man lang
upang magkano na ang pagkaka-utang
ng kapamilya ko, na ang ‘collateral’
na ginamit ‘Title’ ng lupa ko’t bahay.
Natural lamang na mabalisa ako
dahil ako ang may ari ng titulo,
hiniram sa akin ng isang anak ko
at d’yan sa ASCOM nga nakaprenda ito.
Mister ng anak ko ang kwenta kasapi
sa kooperatiba ng ASCOM, at hindi
mismo sa anak ko yan na- ‘release’ kundi
sa asawa nga niya para mapadali.
‘After several days’ aking natuklasan
na ni patubo ng pera na inutang
ng lalaki para sa Computer Shop niyan,
di nakapaghulog pala ng ‘monthly’ yan.
(Na aywan kung dahil diyan sa ‘Online Sabong’
hinihinala kong siya ay nalulong,
na kagaya riyan ng may sariling bubong,
pinambayad utang upang di makulong).
At napilitan lang akong ipa- ‘renew’
o ipa- ‘restructure’ kaya banas ako
d’yan sa isang ‘teller’ na ayaw nga nito
akong bigyan nitong bagay na hiling ko.
Utang ko na nga kasi na maituturing
ang anumang sa ASCOM isinisingil
ng kooperatiba – kaya itong hinggil
sa pag-ayaw n’yan ay nakapang-gigil!
Sa puntong nasabi, may nababanaag
tayong di maganda sa taong di dapat
asalin ang ganyang sa ganang hinagap
ni abang-lingkod ay ‘self interest for what?’
Na marapat lamang na maimbestiga
nitong Bangko Sentral kung ano talaga
itong sa likod ng mga pag-ayaw niya
na mag-isyu ng ‘summary’ at iba pa?