Kaye Abad the most beautiful affair sa buhay ni John Lloyd Cruz

    3686
    0
    SHARE

    Dahil A Beautiful Affair ang title ng seryeng pina-presscon, natanong ang mga bidang sina Bea Alonzo, John Lloyd Cruz at John Estrada kung nagkaroon na ba sila ng Beautiful Affair.

    Ayon kay John E., lahat ng affair niya ay beautiful.

    “But siyempre, it’s only beautiful till it lasts, ’di ba? But I would say, in every relationship, you have to make it beautiful and you know, in communication, in connection, in love.

    “So, now, I’m experiencing a beautiful affair with my wife (Priscilla Mereilles) and my brand-new kid. I would say, para sa akin, ito na ang most beautiful affair,” sabi ni John.

    Say naman ni Bea, hindi lahat ng affair ay negative ang connotation.

    “Affair can be a relationship or a gathering. Para sa akin, an affair can only be beautiful with good memories.

    Kung pagpikit mo, iniisip mo ang magagandang memories, then, it’s beautiful,” say ng young actress.

    Ayon naman kay Lloydie, marami siyang dinaanang magandang affairs na tumatak talaga sa kanya at humulma sa kanyang pagkatao, pero unfair naman daw na mag-single-out.

    “Basta ang importante is kung ano ang present, kung saan ka nagiging masaya at kung saan mo nakikita ang sarili mo in the future,” he said.

    Naitanong din sa kanila kung ano ’yung most unforgettable affair na maiko-consider nila at ayon kay Lloydie, meron daw.

    “Hindi ko talaga makakalimutan ito – ang initials po niya ay K.A.,” say ni Lloydie, na nahulaan naman agad ng press na si Kaye Abad, ang kanyang first girlfriend.

    “Kasi, siyempre po, ’yun po ’yung early years of being in love, na talagang akala ko, ’yun na at ’yun na ang lahat at ’yun na ang katapusan. Kaya in that sense po, talagang hindi ko makakalimutan that I was once in love, so in love with Kaye Abad,” pahayag ng aktor.

    Say naman ni Bea, ngayon pa lang siya gumagawa ng unforgettable affair.

    “Parang ngayon pa lang po ako nagdadalaga siguro. So, ngayon po ang unforgettable,” say ni Bea na, of course, alam naman natin kung kanino – sa boyfriend niyang si Zanjoe Marudo.

    Si John E. naman, siyempre, si Priscilla ang mako-consider na unforgettable affair.

    May nagsabing si Janice de Belen, dati niyang asawa, pero say ni Lloydie, “Hindi, eh.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here