Kasong usad pagong, saan na hahantong?

    692
    0
    SHARE

    HALOS limang taon na ang nakaraan
    Mula nang maganap ang karumaldumal
    Na krimeng sa tala nitong kasaysayan
    Ng ‘politic related’ na pamamaslang

    Ng mga salarin sa napakalagim
    Na ginawang walang habas na pagkitil
    Sa buhay ng mahigit sa limampung ‘victims,’
    Na produkto ng ‘worst political killing’

    Na naganap sa bayan ng Ampatuan,
    At kung saan tatlumpu’t apat ang bilang
    Nitong kapatid natin sa hanabuhay
    Ang sinampalad ibuwis ang buhay

    Sa pagsama nila sa ‘convoy’ ng Misis
    Ni Mangudadatu para maihatid
    Nito sa Comelec ang mga COCs
    Ng partido nila sa ‘provincial office’

    Ng Comelec mismo kasama ang Media
    Upang umalalay sila sa pagpunta
    Ni Mam Mangudadatu sa pag-‘file’ niya
    Ng kandidatura ng kanyang asawa.

    Ngunit bago pa man sila makarating
    Sa takdang lugar kung saan dapat dalhin
    Ay hinarang na nga ng mga salarin
    At basta na lamang din pinagbabaril

    Ng hinihinalang mga ‘private army’
    Nitong katunggaling ‘political party,’
    Kung saan lahat na, lalaki’t babae
    Ay kinatay n’yan ng parang baboy pati!

    Matatandaang si Andal Ampatuan,
    Na isa sa anak ng matandang Andal
    Ang itinuturong utak ng pagpaslang
    Ng mga testigo sa krimeng naturan.

    Pero hanggang ngayon sa kabila nitong
    May mga testigo na ang ‘prosecution’
    Para ang kaso ay tuluyang gumulong
    Ay nanatili pa ring usad pagong

    At ang ilang ‘vital witness’ na kailangang
    Tumayo upang ang kaso ay gumalaw,
    Di malaman nitong kinauukulan
    Kung bakit ang bista’y di mapasimulan.

    At ang masaklap ay unti-unti silang
    Nawawala basta sa kanilang lugar,
    Kundi man marahil ay umatras na yan
    Ay baka tuluyan ng ipinapatay

    Nitong mga ‘accused’ sa naturang kaso
    Upang sila’y di na makapagtestigo;
    At uusad pa nga ba yan kung ganito
    Ang kahantungan nyan sa ating husgado?

    At kung kagaya nyan na animo’y pagong
    Kung magsikilos ang mga ‘prosecutors,
    Men in robe’ at ibang mga abogadong
    Nakasanayan na ang katagang ‘postpone’

    Ay saan na kaya itong ‘Maguindanao
    Massacre’ posibleng tunay na hahantong?
    Lalo’t tulad nitong ang Administrasyon
    Ay tila wala ring ‘favorable action’

    Hinggil sa isyung yan na tanging ang Media
    Ang di tumitigil sa pag-alaala
    Sa pamamagitan ng pagsama-sama
    Nilang pag-gunita sa mga biktima.

    Isa ang samahan ng mamamahayag
    Dito sa Pampanga sa di umaatras
    Sa laban sukdulang sila ay dumanas
    Ng pananakot sa aming pagkalampag!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here