Home Headlines Kambing ipinamahagi sa naapektuhan ng ASF

Kambing ipinamahagi sa naapektuhan ng ASF

998
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA —  Patuloy ang Department of Agriculture sa tulong ng provincial government sa pamamahagi ng mga alagaing hayop sa mga taga-Bataan na naapektuhan ng African swine fever (ASF).

Sinabi ni provincial veterinarian Dr. Albert Venturina na nito lamang Lunes ay namigay sila ng 250 kambingna, aniya’y, madaragdagan pa sa susunod na mga araw.

Si Venturina mismo ang nanguna sa pamimigay ng mga hayop.

Tuwang-tuwa si Gov. Albert Garcia sa tulong ng DA sa mga Taga-Bataan.

“Maraming salamat dahil malaking bagay ito sa aking mga kababayan na makababawas sa kanilang mga suliranin lalo na sa panahon ng pandemya,” sabi ng governor.

Nauna rito, namigay na rin at patuloy pa umanong mamamahagi ang DA ng kalabaw, baka, at sisiw hanggang mabigyang lahat ang mga nasalanta ng ASF.

Matatandaan na bago dumating ang coronavirus disease sa lalawigan, nanalasa muna ang ASF na nagbunsod sa mga kinauukulan na patayin ang libo-libong mga baboy upang hindi na lumawak ang epekto nito.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here