Kakaibang kainan sa Bataan

    339
    0
    SHARE

    BALANGA CITY – Buhat sa malayo, tila karaniwang pampasaherong bus ito na nakaparada sa tabi ng ilog malapit sa tulay at commercial district ng lungsod na ito.

    Sa malapitan, ito pala’y isang double-decker bus na ginawang kainan na ang pangalan ay “Goto Mobile” na bukas ng 24 oras. Puno ng mga kumakain ang parehong deck nito.

    “Kakaiba ang kainang ito. Ngayon lang ako napunta rito pero babalik ako at isasama ko mga kaibigan ko,” sabi ni Shay Marasigan, isang empleyado, na kasama ang kanyang batang pamangkin na tila sarap na sarap sa paghigop ng goto.

    Sinabi ni Alma Arceo, kahera ng kainan, na bukod sa goto ay marami pa silang iba’t-ibang pagkain tulad ng lahat ng klase ng silog at lumpia. Ang goto ay P30 – P35. Habang kumakain, nalilibang ang mga tao sa panonood sa television na nakatutok sa mga palabas ng GMA 7.

    Ang kakaibang kainan ay halos 300 metro lamang ang layo sa plaza ng Balanga.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here