Ayon kay Danny Cumilang, ang biik na may walong paa na magkabilaan sa dalawang katawan na iisa ang ulo ay ipinaganak alas-9 ng umaga ng Martes na pang-anim sa 14 na biik ng isang malaking inahing baboy.
Nakalulungkot na paglipas ng limang oras ay namatay ang biik, sabi ng mga nag-aalaga. Ang 13 biik na natira ay masasaya at nag-aagawan sa pagsuso sa inahin.
Ang mga baboy ay pag-aari ni dating Bataan police director Senior Supt. Odelon Ramoneda na ngayo’y chief of staff ng Department of Interior and Local Government, sabi ni Cumilang.
Nang ipanganak ang biik ay marami aniyang nagulat at laking panghihinayang ng mga tao sa pagkamatay nito.
Kamakailan ay may nahuling isang kakaibang pagong naman sa ilog ng Lamao, Limay, Bataan na napakahaba ng ulo at matapang.