Home Headlines Kagawad sugatan, streetsweeper patay sa magkahiwalay na pamamaril

Kagawad sugatan, streetsweeper patay sa magkahiwalay na pamamaril

193
0
SHARE

APALIT, Pampanga Patay ang isang streetsweeper at kritikal naman sa ospital ang isang barangay kagawad matapos na pagbabarilin sa magkahiwalay na insidente dito at sa kalapit bayan ng Macabebe Linggo ng gabi.

Ayon sa pulisya, naglalakad ang barangay kagawad na si Vilma Cabrera Guevarra sa Purok 7, Barangay Sucad, Apalit bandang alas-7:30 ng gabi nang sundan ito ng mga suspek na sakay ng Yamaha Mio 125 at pagbabarilin ng anim na beses.

Kaagad na isinugod sa ASSCOM Hospital ang biktima at wala pang ulat kung ito ay nasa mabuti ng kalagayan.

Bandang alas-8 naman ng gabi sa Barangay Castuli, Macabebe, nakaupo ang streetsweeper na si Angelo Centeno y Cunanan, 45, sa harap ng bahay ni barangay kagawad Jesus Bustos y Magtoto nang lapitan ito ng dalawang suspek na nagmula sa pampang ng kalapit na ilog at bigla itong pinaputukan ng tatlong beses na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.

Mabilis na tumakas ang mga naka-bonnet na suspek sakay ng motorized banca.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa mga nasabing krimen.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here