Julia Barretto missed na missed na si daddy

    373
    0
    SHARE

    AYON kay Julia Barretto, sa lahat ng naging journey niya since from the start, sa career man o sa pamilya niya, masakit man o maganda, wala naman daw siyang regrets.

    “Why would I regret anything that brought me to where I am now? So, di ba? Parang there’s nothing that I would regret. It made me the person that I am now. It brought me to where I am now. And thankful ako sa mga experiences ko. Kasi, kung wala ’yun, ’di wala ako ngayon dito. ’Yung mga alam ko, hindi ko natutunan. I wouldn’t know better,” say ni Julia.

    Hindi ba niya nami-miss ang daddy (Dennis Padilla) niya? “Ay, siyempre, nami-miss ko naman ang daddy ko. We talk. My dad and I are okay. May communication naman kami ng daddy ko,”she said.

    Ngayong magtatapos na ang Mirabella, ani Julia ay hindi pa raw niya alam kung ano ang next project niya at kung sino ang magiging next leading man niya — kung si Enrique Gil pa rin o iba na. But if ever naman daw na hindi, magiging friends pa rin sila at magpapatuloy pa rin ang communication nila.

    Simula bukas ay fi nale week na ng Mirabella at magtatapos ito ngayong Biyernes, July 4.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here