Jennylyn Mercado hindi raw pinagtaksilan si Luis Manzano

    264
    0
    SHARE

    Mismong si Luis Manzano ang nagbigay ng statement dispelling the rumor na nagkalabuan na sila ni Jennylyn Mercado.

    Dawit nga kasi si Jennylyn sa paghihiwalay nina Paolo Contis at Lian Paz at ito ay labis na ipinagtataka ni Luis.

    So as soon as nagkaroon siya ng pagkakataon, si Luis na mismo ang nagpasinuggaling sa malisyosong kuwento.

    “Once and for all, hindi po. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang isyu na ‘yon. Wala pong ‘labuan’ issue.

    Kahit noong lumabas pa yung alam nating issue, never po kaming nagkalabuan, not even for a single day. So kahit ako ay nagulat na mayroon pang ‘on the rocks na lumabas,’ we are still together,” paliwang ni Luis.

    Dagdag pa niya, “Para sa akin, at the end of the day, the fact that we’re still together, Jen and I are okay, kumbaga iyon na iyon. Some things were blown out of proportion.”

    Luis however admitted that he contacted Lian to shed more light on the issue.

    "Sa mga lumabas nga, the only truth is yes, tinawagan ko nga. Tinawagan ko talaga si Lian. Pero siyempre, kung may mga lumabas na kwento, I want to hear all sides of the story as much as possible," sabi niya.

    Natuwa rin siya na mismong si Paolo nagsalita rin clearing Jennylyn’s name.

    "Nagsalita na si Paolo. Parang may nabasa ako na parang (nakakahiya) raw. Sa akin, enough na iyon. Hindi na nga lang sa akin, more of para ma-clear yung pangalan ni Jen…" .

    Sinabi rin  ni Luis na from day one, wala na siyang pinaniwalaan sa mga nakarating na kuwento sa kanya.

    "Noong lumabas pa lang yung dati, never na akong naniwala. Hindi ko na hiningian ng paliwanag, kumbaga ganoon ako kakampante sa aspetong iyon."

    Bakit hindi pa sila nagpapakasal?

    Luis thanks Jennylyn for taking good care of him and their relationship. Although their relationship has become more serious, they still have a "long way to go" before getting married.

    "Sabi ko naman, we’re in a very serious relationship. Pero kahit ako naman siguro, ang dami ko pang kailangang gawin bilang tao, bilang artista, bilang artista, bilang negosyante."

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here