Isa si Jay Manalo sa mga aktor na kasama sa star-studded na cast ng Babaeng Hampaslupa ng TV5.
Talent siya ngayon ni Annabelle Rama, kaya agad itinanong si Jay kung may say ba siya sa pagtanggap mga role sa kanyang projects at hindi lang si Tita Annabelle ang may control sa mga desisyon.
“Actually, ang nakalaan po talaga sa aking project, eh, sa kabilang network (GMA7), pero feel niyang parang hindi ako magiging angkop doon, so, tiningnan niya ito, nagkasabay. Sabi niya (Tita Annabelle), o ito, tingnan mo kung okay sa ‘yo. So, tinanggap ko. Hindi lang ang unang offer ng TV5 sa akin, nagpatong lang kasi ito ang unang natapos,” paliwanag ni Jay.
Aminado rin ang magaling na aktor na may mga pagkakataong nalungkot siya sa nangyari sa career niya at hindi na raw siya nasisiyahan sa mga nagiging projects niya.
Pero iginiit ni Jay, hindi raw ito tungkol sa mga intriga at negatibong balita na lumalabas about him. Aniya, dumating daw sa puntong nagsawa na siya sa pag-aartista at mas ginusto na lang niyang magpunta sa ibang bansa kasama ang asawa’t mga anak. Hindi na raw kasi siya natsa-challenge sa mga role na ipinapagawa sa kanya.
“Tulad itong charater ko sa Babaeng Hampaslupa, nagsawa na ako rito eh, kaya lang dito, ibang atake naman ang ginawa ko.”
Dagdag ni Jay, sa sobrang dami raw ng intriga tungkol sa kanya, iniisip na lang niyang ilayo ang pamilya at tumigil na sa pag-aartista.
“Dito sa mundo ng showbiz, hindi mo na alam kung sino ang kakampi mo rito, basta ako gagawin ko lang trabaho ko. Kapag nasa harap ako ng camera, artista ako. ‘Pag wala ako sa harap ng camera, normal na tao lang po ako. Kaya ‘wag nila akong tingnan na doing good lagi. Na good boy, hindi po ako ganoon. Kung ano po ako sa totoong buhay, ganoon po ako.”
Sabi pa ni Jay, matagal na raw siyang aware na may mga taong naninira sa kanya. Nagtataka rin ang iba kung bakit ganoon na lang ang mga naglalabasang balita kay Jay, tulad ng lulong daw siya sa sugal, unprofessional at iba pang negatibong balita.
Diretsahan din naming tinanong si Jay kung sa tingin ba niya ay may nagawa siyang mali o atraso sa mga taong naninira sa kanya, kaya ganoon na lang kung intrigahin siya.
“Ay, hindi po. Ugali na lang po talaga nila ‘yun. Wala po akong atraso sa kanila. Sila po ang nagkaroon ng atraso sa akin. Pero hindi kasi ako mapagtanim ng sama ng loob. Never akong nagtanim ng sama ng loob. Huwag lang silang humarap sa akin!” prangkang pagbabanta ni Jay.
Say ni Jay, ang Babaeng Hampaslupa daw ay isang proyektong dapat abangan lalo pa’t ito ang pagbabalik-telebisyon ni Alice Dixson.
Naintriga lang ang mga kausap na press ni Jay nu’ng sabihin ng aktor na ito rin ang proyektong kasama ang prinsesa “daw” ng Channel 5.
Talagang may daw pa si Jay, na tila ayaw maniwala na si Alex ang prinsesa ng TV5, huh!
“Hindi siyempre, kailangang may mapatunayan ka, ’di ba? Ako, sa tingin ko, kaya niya dahil nakita ko ‘yung trailer, maganda. Ako naman, hindi naman po ako plastic para sabihin na siya agad ang prinsesa. Diretso naman po ako magsalita, eh. Palagay ko, sa tingin ko, kaya niya,” agad na bawi ng aktor.
In short, gustong sabihin ni Jay, kailangan munang patunayan ni Alex ang husay niya sa pagganap bago ito maging ganap na prinsesa ng TV5.
Well, abangan natin ang first teleserye ng TV5 starring ang mga naglalakihang bituin ng showbiz industry. Sa trailer pa lang, in fairness, gusto na namin ang takbo ng sitorya na umikot sa pangarap, pagmamahal at pag-asa. ‘Yun na!