Kaya bang patunayan ni Alex Gonzaga na siya’ng prinsesa ng TV?

    157
    0
    SHARE
    Hindi maitago ni Alex Gonzaga ang excitement sa pagganap bilang Babaeng Hampaslupa.

    Tinanong namin ang dalaga kung ito na ba ang proyektong magsasabi niyang “this is it!” This early kasi, si  Alex ang sinasabing prinsesa ng TV5 dahil sa rami ng shows na ginagawa niya — talk, variety at drama.

    “Yes po, this is  really is it!  Siyempre po, may kaba, may pressure, pero na-tutuwa po ako dahil supportive lahat ng cast sa akin.”

    Sabi pa ni Alex, talagang  pressure sa kanya ‘yung  titulong Prinsesa ng   TV 5 pero hindi  na raw niya ito iniisip.

    Ito na nga ang proyektong magdadala kay Alex to stardom, ‘ika nga.

    Kaya tutok sa mga exciting na tagpo sa Babaeng Hampaslupa, simula na sa Feb. 7 sa Kapatid  Network.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here