Isabelle De Leon mahinhin sa tunay na buhay

    539
    0
    SHARE

    Simple lang at walang kalandi-landi nang humarap sa ilang press si Isabelle De Leon sa packet interview ng kanyang Wattpad Presents one week series na Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang). Taliwas ang kanyang personality sa tunay na buhay at role na ginagampanan sa serye.

    Nang tanungin nga kung malandi siya sa tunay na buhay, halata ang pamumula at hiya ni Isabelle na sumagot na sa true life daw isa siyang mahinhin at talagang likas ang pagkamahiyain.

    “Iba po talaga sa role ko bilang Pipay, malandi po ako, kung ao ano ang ginawa ko sa buhay para lang mapansin ng lalaking gusto ko,” sabi pa niya. Role lang naman po yun at feeling ko talaga ako si Pipay kapag nakaharap ako sa kamera.

    “Pero sa totoong buhay po, di ko po magagawa yun,” sabi pa niya. Kasama si Isabelle sa serye sina Edgar Allan, Guzman, Ken Anderson, Nathalie Hart at Eunice Lagunsad.

    Showing na po ito sa TV5 simula November 10.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here