Kung ang pagkasibak kay Joey de Leon
Sa San Fernando ‘as chief city assessor’
Ay dahilan sa ‘gross insubordination’
Sa kautusan ni World Class City Mayor
Oscar S. Rodriguez, ng nasabing siyudad,
Ay natural lang na di basta papayag
Ang alkalde na siya’y makabalik sukat
Sa ‘assessor’s office’ na dati niyang hawak
Kung saan bunsod ng harapang pagtanggi
Na ibigay ang ‘password’ o kwenta ‘susi’
Ng ‘computer’ para mabuksan, nauwi
Sa iringang aywan kung sino ang mali.
Ang dapat sana ay magandang ugnayan
Ng Mayor’s office at ng kanyang tanggapan,
Pero nang dahil nga sa pangyayaring yan
Umabot sa puntong siya ay kinasuhan.
Nitong ang tawag ay ‘insubordination’
Base sa nakalap nating impormasyon
Ang di pagtalima ni Joey de Leon
Sa opisyal na kahilingan ng Mayor
Na mabuksan at makita sa ‘computer’
D’yan sa tanggapan ng naturang ‘officer’
Ang ‘data base and record on land assessment’
Ng siyudad – at lantad sa ‘city government’
Kaya nga’t nang dahil sa pagmamatigas
Ng ‘city assessor,’ humantong at sukat
Sa ‘dismissal from service’ ang di pagtupad
Ni Joey sa utos ng nakatataas!
May anong bagay ba na pinagtatakpan
Itong si De Leon para itanggi niyan
Kina Mayor ang posibleng nilalaman
Ng ‘computer’ nito sa kanyang tanggapan?
(O sadyang ayaw niyang makipagtulungan
Sa administrasyon ng kasalukuyang
Alkalde ng lungsod dahil kalaban yan
Ng dating kasangga sa pamahalaan?)
Siguro naman ay karapatan nito
Ang mag-usisa at malaman kung ano
Ang kinakailangang tutukan ng husto,
Na nasa ilalim ng kanyang mandato.
At may karapatan syempre ang Alkalde
Upang protektahan di lang ang sarili
Kundi pati na ang San Fernando city
Habang nasa puesto, hangga’t maari!
Kaya’t nag-desisyon man ang ‘civil service’
O itong CSC para makabalik
Si Joey de Leon bilang ‘assessor’s chief,’
Ito ay tiyakang haharanging pilit
Ng ‘incumbent mayor in his capacity
As chief executive’ at ‘complainant’ pati,
Lalo’t di pa ‘final and executory
Ang ‘Order’ o Resolution ng CSC.
At ‘higher courts’ lang ang puedeng magdesisyon
Ng pinal saan mang korte yan humantong;
Ano’t lubhang apurado si De Leon
Upang makabalik siya sa City Hall?
Kung saan kahit na siya’y makabalik
Ay maaring di na yaong dating init
Ng pagtangap itong kanyang makaniig
Kundi animo ay yelo na sa lamig;
At pakirandam ay parang de nomiro
Ang bawat kilos sa babalikang puesto;
Kaya’t di ‘peace of mind’ ang kakamting piho
Kahit ang Alkalde aty di venggatibo!