Industriya ng paputok suportado ng kapitolyo

    465
    0
    SHARE
    MALOLOS CITY, Bulacan——Suportado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang industriya ng paputok sa lalawigan sa kabila ng panukala ng Department of Health (DOH) na total ban sa paggamit ng mga paputok sa pagsalubong ng bagong taon.

    Ayon kay Bulacan Governor Jon-Jon Mendoza, sa kabila ng panukalang ito ay hindi nawawala ang kanilang pagsuporta sa industriya ng paputok sa lalawigan.

    Aniya, taon-taon namang nagiging panukala ng DOH ang pagbabawal sa pag-gamit ng mga paputok ngunit hindi pa rin natitinag ang industriya nito sa lalawigan.

    Matatandaan na nitong huling bahagi ng buwan ng Nobyembre nang muling buhayin ng DOH ang panukalang total ban ng mga paputok na mariin namang tinutulan ng Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Incorporated (PPMDI).

    Ayon sa PPMDI, hindi sila naniniwalang lubusang maipagbabawal ang paggamit ng paputok sapagkat may batas na nagtatakda sa pagiging legal nito.

    Ani Vimie Eresa, pangulo ng PPMDI, na ng nakaraang Pebrero batay sa kanilang pulong sa DOH ay ang paputok lamang na piccolo ang napag-usapang posibleng ipagbawal ngayong taon dahil sa umanoy mga aksidenteng naitala dito ngunit hindi ang lahat ng klase ng paputok ang ipagbabawal.

    “Yung piccolo lang ang napag-usapan namin na ipagbabawal pero hindi lahat ng paputok,” ani Eresa.

    Ngunit kung sakali umanong lubusang maipatupad ngayong taon ang pagbabawal ng paputok ay masasaktan aniya ang buong industriya gayong nakapalaot na ang kanilang mga puhunan.

    Samantalang iginiit pa ni Mendoza na hindi dapat na ipagbawal ang paggamit ng paputok at sa halip ay ang bantayan lamang ang paggamit o ang mga gumagamit ng mga paputok.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here