Ebola-bola sa Bulacan

    368
    0
    SHARE
    Ligtas daw kumain ng karneng baboy sa kabila ng pagkakadiskubre ng ebola reston virus sa mga babuyang matatagpuan sa Pandi, Bulacan; Manaoag, Pangasinan; Cabanatuan City at Talavera, Nueva Ecija.

    Para mas makasigurado, fishball  o bola-bola na lang ang kainin.


    Diskumpiyado ang maraming magbababoy kabilang ang mga tindera sa palengke sa timing ng paglabas ng balita hinggil sa ebola reston virus ngayong nalalapit ang Pasko.  Pangunahing kasing apektado ang kanilang negosyo.

    Pabor naman ito sa mga umiiwas sa kolesterol.



    Upang mabawasan ang pangamba ng mga mamimili sa panahon ng kapaskuhan, nagpalabas ng isang press statement ang kpitolyo ng Bulacan na ligtas kumain ng karneng baboy.  Ito ay ilang araw matapos magpalabas ng press statement ang Department of Agriculture.

    Sus, pareho lang naman ng nilalaman!  Pero, ang daming mali sa press statement ng kapitolyo.



    Sabi sa press statement ng kapitolyo, inatasan daw ni Gob. Joselito Mendoza ang provincial veterinarian na si Dr. Felipe Bartolome, “to immediatley (sic) adopt safety measures.”

    Ano kayang safety measures iyon?



    Sinabi pa sa press statement ng kapitolyo na, “Policemen and staff of the Provincial Veterinarian Office were sent to guard the gate of the said farm 24 hours a day to ensure that no shipment of hogs will take place pending the lifting of the ban.”

    Yan ang checkpoint sa babuyan.  Huwag sana silang kakain ng nilutong karneng baboy doon.



    Ayon pa sa press statement ng kapitolyo, “Governor Mendoza also sent a medical team from the Public Health Office to investigate and check on the condition of the people who have direct contact or working in the said farm.”

    Ano kaya ang findings ng medical team ng Bulacan?  Pareho kaya ng findings ng medical team ng DOH at ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM)?



    Heto pa and isinasaad ng press statement ng kapitolyo ng Bulacan, “While saftey (sic) preacutions (sic) are strictly enforced, Yap and Mendoza called the public to report sick animals to authority and to refrain buying meats from stalls without National Meat Inspection Serive (sic) cerifications (sic).”

    Ano daw?  Safety precautions yata.



    Ang hirap talagang bola-bolahin ng press statement ng iba. 

    Mabuti pa’y yung actual na press statement na galing sa DA ang ipinalbas ng kapitolyo.



    Mas maganda pa sana kung sinundan nila yung statement ni Agriculture Secretary Arthur Yap na nagsasabing “to continually test pigs in their localities.”

    Pagkatapos ay sinabi nila na,” wala kaming capability to test dahil wala kaming test kits.”



    O kaya ay sinunod nila  ang payo ni Yap na magsagawa ng inventory sa quarantine hog farm.

    Pagkatapos ay inilabas nila sa press statement kung ilang baboy ang affected at laman ng quarantine hog farm, at kung ilan ang infected na baboy for disposal.



    Kung ginawa nila ito, natulungan sana ng kapitolyo ang may ari ng hog farm na maningil kay Yap.

    Dahil batay sa press statement n Yap na hindi binigyang pansin ng kapitolyo, “the government, will provide assistance to quarantined farms by providing them feeds and replacement stocks once the farms has been cleared.”



    Sayang.  Sayang na sayang talaga.

    The Bulacan Provincial Public Affairs Office (PPAO) missed the point. They missed it all.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here